Derek bonggang sasakyan ang anniversary gift kay Ellen: 'Thank you for giving me so much love, I've really found true happiness' Bandera

Derek bonggang sasakyan ang anniversary gift kay Ellen: ‘Thank you for giving me so much love, I’ve really found true happiness’

Ervin Santiago |September 08,2022
share this

Derek bonggang sasakyan ang anniversary gift kay Ellen: ‘Thank you for giving me so much love, I’ve really found true happiness’

Ervin Santiago - September 08, 2022 - 11:32 AM

Ellen Adarna at Derek Ramsay

HINDI na nakapaghintay ang hunk actor na si Derek Ramsay sa wedding anniversary nila ni Ellen Adarna kaya nagdesisyon siyang sorpresahin na ang asawa.

Sa November pa ang anibersaryo ng celebrity couple pero ibinigay na ng aktor sa kanyang pinakamamahal na misis ang regalo niya rito kahapon, September 7,

Sa pamamagitan ng Instagram, nag-share si Derek ng ilang video clips sa kanyang mga followers kung saan makikita ang bagong sasakyan na ibinigay niya sa asawa.

Base sa nasabing video, isang bonggang-bonggang Bentley (baby blue na Bentayga Range) ang ipina-deliver ng aktor sa kanilang bahay bilang anniversary gift kay Ellen na tinawag pa niyang “love of my life.”

“Advanced happy anniversary to the love of my life.

“Thank you for giving me so much love. I’ve really found true happiness. I love you so much!!!! So so much!!” ang caption ni Derek sa kanyang IG post.


Nag-comment naman dito si Ellen at sinabing like na like niya ang regalo ng asawa pero ang mariin niyang sinabi, “You know my love language is physical touch and quality time soooo your hugs and kisses are myyyyy number 1.”

“I love youuuuuu. I know (you’ll) enjoy driving my car,” ang chika pa ng dating sexy star na nagdesisyon na ngang magpahinga muna sa showbiz para mag-focus sa kanyang pagiging wifey at mommy.

Sa isa pang IG video ni Derek mapapanood si Ellen habang minamaneho ng bago niyang Bently. Tanong ng aktor, “Do you like it?”

“Yeah but you’re the one driving. I need a driver, too” sagot naman ni Ellen.

Sa kanyang IG Stories, nag-post din si Ellen ng isang video kung saan makikita ang pagde-deliver ng naturang sasakyan sa kanilang bahay na may captiona na, “My husband is extra extra advanced.” Sabi pa niya sa anak na si Elias, “That’s my car, bub.”

Sa nasabi ring video makikita ang pagbibigay ni Derek ng regalo kay Elias — isang bear na may pangalang Bentley.

Ikinasal sina Derek at Ellen noong November, 2021 makalipas lamang ang ilang buwang pagde-date. Naging mabilis ang mga kaganapan sa love story ng celebrity couple na talagang ikinagulat ng publiko.

‘Retired’ — sagot ni Derek sa hiling ng netizen na sana’y magka-project uli siya sa GMA

Jennica lilipat na ng tirahan kasama ang 2 anak, ipinagbebenta na ang mga gamit sa bahay

Catriona nagselos ba pasabog na love scene nina Sam at Ivana sa ‘A Family Affair’?

Na-pressure nga lang ba si Derek na mag-propose agad kay Ellen?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending