Alex Eala lalong ginanahan matapos ang Miami Open: ‘The real work starts!’

PHOTO: Instagram/@alex.eala
MATAPOS ang Miami Open, handa na ang Pinay Tennis sensation na si Alex Eala para sa mas matitinding laban sa Women’s Tennis Association (WTA).
Magugunitang nilampaso ni Alex ang tatlong Grand Slam champions, kasama na ang World No. 2 na si Iga Swiatek sa quarterfinal.
Ito ang dahilan kaya nakarating siya sa kanyang kauna-unahang WTA 1000 semifinal.
Bagamat nabigo kontra Jessica Pegula sa semis, hindi matatawaran ang kanyang naging tagumpay.
Baka Bet Mo: Pacman, PBBM humanga, todo suporta kay Alex Eala: ‘Proud na proud kami sa’yo!’
“Wow, this year’s Miami Open has left me speechless and so full of emotion, mostly pride and gratitude,” sey niya sa isang Instagram post.
Dagdag niya, “I’m proud of myself for pushing through those tough moments, as well as to have been able to make a statement for the Philippines in one of the biggest stages of tennis.”
View this post on Instagram
Sa edad 19, ang Pinay athlete ang pangalawang wildcard na naka-three-peat laban sa Grand Slam champions sa isang WTA event.
Siya rin ang unang Pilipinong nakapasok sa semifinals ng isang WTA 1000 tournament at naka-upset ng dalawang top 5 players mula noong ilabas ang WTA Tour rankings noong 1975.
Nag-umpisa ang kanyang Miami Open journey sa Round of 128 nang talunin niya si World No. 73 Katie Voleynets, 6-3, 7-6 (3).
Sunod niyang pinadapa ang World No. 25 at 2017 French Open champion na si Jeļena Ostapenko ng Latvia sa score na 7-6 (2), 7-5.
Hindi pa doon natapos, dahil dinurog din niya ang WTA No. 5 na si Madison Keys, 6-4, 6-2, bago magkaroon ng walkover win laban kay Paula Badosa ng Spain na nag-withdraw dahil sa lower back injury.
Matapos ang kanyang makasaysayang kampanya sa Miami Open, lubos ang pasasalamat ni Eala sa lahat ng Pilipino at tennis fans na sumuporta sa kanya.
“Moreover, I’m thankful for all the positivity coming my way, and I pray that you all continue sending support through the highs and lows,” mensahe niya sa IG.
Wika pa niya, “Salamat sa lahat ng pagdadasal at magagandang mensahe.”
Pero hindi pa dito nagtatapos ang laban ni Alex dahil sa kanyang performance, inaasahang aangat siya mula sa kanyang dating career-high ranking na No. 134 papasok sa Top 75.
Dahil dito, malaki ang tsansa niyang makasali sa main draw ng tatlong Grand Slam tournaments ngayong taon, simula sa French Open sa Mayo.
“I recognize that these two weeks have opened the door to so many opportunities for me, but along with those opportunities come a whole new set of obstacles I will have to navigate through. The real work starts,” ani ng Pinay tennis player.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.