Aktor nagdrama sa mga hindi tumatagal na relasyon, bet balikan ang non-showbiz ex? | Bandera

Aktor nagdrama sa mga hindi tumatagal na relasyon, bet balikan ang non-showbiz ex?

Reggee Bonoan |April 08,2023
facebook
share this

Aktor nagdrama sa mga hindi tumatagal na relasyon, bet balikan ang non-showbiz ex?

Reggee Bonoan - April 08, 2023 - 01:44 PM

Aktor nagdrama sa mga hindi tumatagal na relasyon, bet balikan ang non-showbiz ex?
NAGTATAKA ang mga kaibigan ng aktor kung bakit hindi tumatagal ang relasyon niya sa mga nagiging girlfriends niya, tila nagbibilang ang drama nito.

Komento ng isa sa kaibigan ng aktor, “feeling ko gusto pa rin ni (aktor) si (ex-girlfriend na hindi taga-showbiz). Kasi nabanggit niya na minsan pinaga-awayan nila ng dyowa niya.”

Ang huling naka-relasyon ng aktor ay taga-showbiz at ang ex-girlfriend nito na dahilan ng away nila minsan ay hindi taga-showbiz pero kilala ito dahil sikat sa field niya.

Ayon sa kaibigan ng aktor ay minsan napagkukuwentuhan nila ang dating gf na non-showbiz dahil hindi maganda ang paghihiwalay nila at simula nang magkahiwalay sila ay wala pa itong boyfriend.

Tinanong daw ng kaibigan ng aktor kung may balak siyang balikan ang non-showbiz girlfriend at natawa lang daw ito.

“E, di ba pag natawa parang oo? Kasi pag ayaw o hindi, sasabihin mo diretso ‘hindi’ di ba?” katwiran ng kaibigan ng akor.

Baka Bet Mo: Kilalang aktres idinemanda ng super rich na katrabaho matapos tamaan ng ‘lumilipad’ na sapatos

Naalala namin na madalas naming nakikita ang aktor at ang non-showbiz girlfriend niya sa mga mall sa Quezon City at sa Mandaluyong at bagay naman sila talaga.

Huli na ng malaman naming naghiwalay na sila at taga-showbiz ang ipinalit na in fairness ay maganda pero parang masyado siyang maraming kuwento kapag ini-interview.

Going back to non-showbiz girlfriend ni aktor ay parang may nanliligaw na sa kanya at tingin namin ay gusto rin niya dahil hindi rin ito taga-showbiz pero kilala na rin dahil ang ex-dyowa nito ay kunektado sa showbiz.

Dagdag kuwento pa ng kaibigan ng aktor, “magulo rin kasi ‘tong kaibigan natin, parang mas gusto niyang walang dyowa na meron. Pero seryoso naman sa nakita ko sa kanila ni (showbiz gf), ‘yun nga lang nagkahiwalay din.”

 

Iba pang blind item:
Kilalang aktor ‘mabaho’ raw at maraming demand, production staff naimbyerna

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalang aktor binigyan ng mamahaling sasakyan ng kilalang businessman, sa ibang bansa nakikipag-date para safe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending