Melai sa gustong mag-PBB: Gusto mo talaga o char-char lang?

Melai sa mga nangangarap mag-PBB: ‘Gusto mo ba talaga o char-char lang?’

Ervin Santiago - April 16, 2024 - 06:10 AM

Melai sa gustong mag-PBB: 'Gusto mo ba talaga o char-char lang?'

Robi Domingo, Bianca Gonzalez, Melai Cantiveros at Enchong Dee

SINIGURO ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros na napakarami nilang bonggang pasabog sa muling “Pinoy Big Brother” sa ABS-CBN.

Isa pa rin si Melai sa magiging host ng pinakabagong edisyon ng “PBB” na magsisimula na sa darating na June.

Of course, makakasama pa rin ng komedyana sa programa sina Robi Domingo, Kim Chiu, Enchong Dee at Bianca Gonzalez.

Baka Bet Mo: Melai ilalaban ang paggaling ng tatay: Hindi ako nawawalan ng pag-asa, magdarasal ako para sa papa ko

“Alam n’yo, abangan n’yo ang PBB dahil grabe ang pasabog nito. Talagang ‘yung pasabog ng mga katabi niyo sa MRT tapos may amoy yon!

“Char! Iba ‘yung pasabog na ‘yon pero ito sobrang pasabog talaga ‘to, hindi niyo alam pero ito ang best pasabog na ibibigay ng PBB,” aniya pa.

Sey pa ni Melai, kailangang abangan ng manonood ang mga plot twist sa muling pagbubukas ng Big Brother house.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Melai Cantiveros – Francisco (@mrandmrsfrancisco)


“Excited kaming mga host nila Robi, Bianca, Kim, ako and si Enchong sa mga mangyayari mayroon kaming mga alam na pero hindi pa sinasabi sa amin kasi chismosa daw kami. Pero, napakaganda ng mangyayari sa PBB,” sabi pa ni Melai sa isang interview.

Kasunod nito, muling inulit ng komedyana at TV host ang babala ng ABS-CBN at Star Magic na huwag magpaloko sa mga scammer na nagsasagawa ng pekeng audition para sa “PBB.”

“Nandito na rin naman kayo, mag-ingat kayo sa audition ng PBB dahil puwedeng nag-audition kayo sa ibang hindi legit na PBB staff.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

“So, mag-ingat kayo kaya nag-warning sila Direk Lauren (Dyogi) na ang aatendan n’yo lang na audition ay yung audition lang ng PBB team wala ng iba.

“Kasi sila lang ang mamimili ng housemate ni Kuya wala ng iba,” aniya pa.

Samantala, nagbigay din ng tips si Melai sa lahat ng papasok sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya bilang mga bagong housemates.

“Ako ang masasabi ko lang talaga. Life is so short, importante na mag-enjoy ka sa ginagawa mo so ‘yung pag-audition mo, gusto mo ba talaga ‘yun, or char-char lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi baka inutusan ka lang ng Papa mo na mag-join? So kailangan mo talagang gustuhin ‘yung ginagawa mo at sinasabi sa ‘yo kasi kung hindi mo gusto ‘yun, hindi mo mapapagtagumpayan,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending