Bea dinipensahan ng kaibigan:Wala siyang something sa character

Bea dinipensahan ng kaibigan: Wala siyang something sa character

Therese Arceo |February 08,2024
facebook
share this

Bea dinipensahan ng kaibigan: Wala siyang something sa character

Therese Arceo - February 08, 2024 - 02:19 AM

Bea dinipensahan ng kaibigan: Wala siyang something sa character

WALANG kaanog-abog na ipinagtanggol ni Beatriz Saw ang kaibigang si Bea Alonzo laban sa mga mapanghusgang tao sa social media.

Mismong ang dating Pinoy Big Brother Big Winner ang sumagot sa isang netizen na sumisisi sa Kapuso actress na marahil ito raw ang may problema kaya sila naghiwalay ni Dominic.

Matatandaang marami ang nagulat nang kumpirmahin ni Boy Abunda na totoo ang kumakalat na chikang hiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Sa kabila kasi ng kumpirmasyon ay walang nasabing dahilan kaya naman kanya-kanya ang mga netizens sa paggawa ng conclusion kung ano nga ba ang nangyari sa relasyon ng dalawa lalo na’t nakaplano nang ikasal ang mga ito ngayong taon.

“Masyado naman mataas ang tingin ng mga tao kay [Bea] coz meron syang lupain. Regardless of how rich you are if meron something sa character mo, hindi ka parin pakakasalan ng lalaking mas mayaman sayo,” saad ng isang netizen.

To the rescue naman ang dating “PBB” housemate at agad na nilinaw na walang kasalanan ang kaibigan.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na ayon kay Boy Abunda

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Don’t worry, I assure you wala siyang something sa character,” saad ni Bea.

Umani nga agad ng iba’t ibang reaksyon mula sa madlang pipol ang pahayag nito.

“She may be a great friend to you and many others, but that doesn’t mean she’s a perfect girlfriend! May pagkakaiba sa character ng isang tao as a friend and as a partner!” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “Bea[triz] Saw na nagsabi niyan. na expert about sa respect. Hahahahaha! Sino pa maninira kay Bea diyan?”

Nagmula ang palitan ng komento ng dalawa sa post kung saan sinasabing sana ay nakinig ang Kapuso actressa sa entertainment writer na si G3 San Diego na mula da Instagram stories nito ng Q and A.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa ring nagsasalita sa kampo nina Bea at Domijic upang bigyang linaw o detalye sa kung ano talaga ang dahilan ng kanilang hiwalayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending