Jericho hinarana si Pilita Corrales, tanggap na ng pamilya ni Janine
ISA ang Kapamilya actor na si Jericho Rosales sa mga naging bisita sa 85th birthday celebration ng OPM icon at veteran actress na si Pilita Corrales.
Nakita namin ang ilang naging kaganapan sa selebrasyon ng kaarawan ng beteranang singer-actress at tinaguriang Asia’s Queen of Songs sa Instagram page ni John Nite.
Siyempre, naroon si Jericho dahil inimbita at isinama siya ng kanyang girlfriend na si Janine Gutierrez, isa sa mga apo ni Pilita.
Baka Bet Mo: Pilita Corrales aminadong gusto si Rayver para kay Janine, nagtaka bakit naghiwalay ang dalawa
Sa ilang litratong ibinahagi ni John Nite sa kanyang IG account na kuha sa 85th birthday ni Miss Pilita ay makikita nga ang pakikipag-bonding ni Echo sa pamilya ni Janine.
Hinarana pa ng aktor si Miss Pilita at kinanta ang “Change The World” na isa sa mga original classic hits ni Eric Clapton.
“It’s an honor to be here. I am going to sing a song for you, it’s called ‘Change The World’ because my mother sings your songs and Janine knows about this,” ang mensahe ni Jericho sa lola ni Janine bago kumanta.
Bukod kay Echo, ilan pa sa nauseating bisita sa selebrasyon ni Pilita ay sina Martin Nievera, Gary Valenciano at Dulce.
Baka Bet Mo: Janine Gutierrez co-producer ng upcoming docu ni Pilita Corrales
Kamakailan lamang ay ibinandera nina Jericho at Janine na exclusively dating na sila. Inilarawan pa nga ng aktor ang panganay ni Lotlot de Leon bilang “amazing person, very sweet, very kind, very funny, and very dedicated, good actress.”
View this post on Instagram
Sa isang panayam kay Janine, natanong ang dalaga kung ano ang masasabi niya sa mga papuring ibinigay sa kanya ni Jericho bilang tao at bilang isang aktres.
“That’s sweet to hear and I am super excited to work with him. Siyempre lahat naman tayo hinahangaan natin siya bilang artista,” ani Janine.
At tungkol naman sa kanilang pagkakamabutihan, “He’s really nice and funny and sobrang okay siyang kausap.
“Of course, everybody knows he’s such a good actor and na-enjoy ko din yung mga eksena namin together which is funny cause most of the scene we taped nagaaway kami.
“Masaya na off camera, it’s the opposite. I think he’s great. It’s been fun getting to know and hanging out with him outside of work. Masaya naman,” kuwento ng dalaga na ang tinutukoy ay ang bago nilang teleserye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.