Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla? | Bandera

Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

Therese Arceo |August 26,2021
facebook
share this

Mariel Rodriguez masaya pa rin ba bilang asawa ni Robin Padilla?

Therese Arceo - August 26, 2021 - 06:19 PM

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

MASAYANG pinag-usapan ng mag-asawang sina Mariel st Robin Padilla ang kanilang relasyon ngayong 11 years na silang magkasama.

Ayon kay Mariel, naniniwala siya na si Robin talaga ang “the one” para sa kanya at wala siyang pinagsisisihan sa kanilang naging relasyon.

“You allowed me to love you the way I wanted to love you and you love me the way I wanted to be loved. Ako, very showy ako sa love ko, very affectionate ako. Tapos ikaw, lagi mong naappreciate ‘yung love na binibigay ko,” saad ni Mariel.

Biro naman ni Robin, bakit daw naniwala si Mariel sa isang ex-convict.

“Never kitang nakita na ex-convict, sa totoo lang. I never saw you as a bad boy. Ang nakita ko sa ‘yo was you had a soft heart,” sweet na sagot ni Mrs. Padilla.

Kuwento pa ni Mariel, marami ang kumontra sa kanilang pagmamahalan at marami rin ang nagsabi na iiwan rin siya ng aktor pero tinignan lamang niya ito bilang challenge.

Very memorable rin kay Mariel ang mga travels kung saan magkasama silang mag-asawa kung saan nagpunta sila sa Maldives, Paris, at Amsterdam.

“‘Yun na ‘yung time ng after ng mga miscarriage tapos nag-travel tayo. Very very memorable rin sa akin ‘yun kasi merong pinagdadaanan, we went through it together in the best way possible. Inalis mo ko, talagang get away. Magastos pero masaya,” kuwento ni Mariel.

Amin pa nito, hinahabol siya hanggang sa panaginip kapag nagseselos siya kaya minsan ay badtrip talaga at bwisit siya pagkagising.

Hirit pa nito, hindi daw mga artista ang pinag-selosan niya. Nang tanungin siya ni Robin kung sino ang mga pinagselosan ng asawa, ay hindi na niya ito sinagot dahil baka raw lumaki ang ulo ng mga ito.

Dagdag pa niya, wala raw siyang pinag-selosan sa mga naging leading lady ni Robin.

“Mabait ang mga leading lady. Walang leading lady na hindi naging mabait sa akin,” saad ni Mariel.

Ngunit noong nagsisimula raw ang kanilang relasyon ay nagpabuyo siya sa mga taong nagpapadala ng litrato at videos ni Robin at Kris Aquino na nasa bath tub sa teleseryeng “Kailangan Ko’y Ikaw”.

“Kahit hindi ako nagseselos kay Ate Kris dahil si Ate Kris ‘yun, dun sa scene na ‘yun, maiinis ka. Nagpabuyo ako sa mga tao and I learned from that,” amin ni Mariel.

Nilaglag naman ni Mariel si Robin nang sabihin nitong past time ni Robin na tuwing nag-aaway sila ay palagi nitong sinasabi na “Ayoko na. Aalis na ako dito. Di ko na kaya.”

Tinanong kasi ni Robin kung dumating na sa point na gusto nang sumuko ni Mariel sa relasyon nila.

Pero para kay Mariel, kahit gaano ka-patient ang isang tao, darating rin sa punto na aayaw ito.

“Pero ‘di ba nga may nagsabi ‘Don’t make decisions when you’re happy. Don’t make decisions when you’re angry. Kailangan kapag gumagawa ka ng desisyon, kalmado ka.

“Normal ‘yun na sabihin mo na ayaw mo na. Walang tao na magsasabi na never niyang sinabi ‘yun sa loob ng 11 years. May time na parang feeling mo susuko ka and then you will remember the promise that you made,” saad ni Mrs. Padilla.

Nang tanungin naman ni Robin kung ano ang pangarap ni Mariel para sa 12th anniversary nila.

“Kasama na ‘yung mga kids natin sa pangarap. Gusto ko talagang makapag-aral sila sa the best school. Gusto ko nag mag-grow up sila na Nanay is there and Tatay is there.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ending naman, tinanong muli ni Robin kung pipiliin pa rin ba siya ni Mariel kung sakaling nagising siya bilang Mariel Rodriguez at hindi Mariel Padilla, ngumiti ito at sumagot ng “I’ll choose you” sabay halik sa asawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending