BB Gandanghari bumalik na ng Pinas matapos ang 7 na taon, emosyonal nang makita ang kanyang Mama Eva | Bandera

BB Gandanghari bumalik na ng Pinas matapos ang 7 na taon, emosyonal nang makita ang kanyang Mama Eva

Pauline del Rosario |December 08,2022
facebook
share this

BB Gandanghari bumalik na ng Pinas matapos ang 7 na taon, emosyonal nang makita ang kanyang Mama Eva

Pauline del Rosario - December 08, 2022 - 10:06 AM
BB Gandanghari bumalik na ng Pinas matapos ang 7 na taon, emosyonal nang makita ang kanyang Mama Eva

BUMALIK na ng Pilipinas si BB Gandanghari matapos ang pitong taong pamamalagi sa Amerika.

Ibinandera mismo ng Filipino-American actress ang ilang video ng kanyang pag-uwi sa bansa sa Instagram.

Unang ipinost ni BB ang kanyang selfie video at may caption pa itong, “Long time coming…” at “Home is where your heart is.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)

Kasunod niyan ay may isa pa siyang video post sa Instagram na ipinakitang una niyang binista ang kanyang mahal na ina.

Ilang taon ding hindi nagkita ang mag-ina kaya kitang-kita sa ilang litrato ang pagkasabik ng isa’t-isa.

Caption pa ni BB Gandanghari, “#justLanded: happiest to see my dearest mama in 7 years… Yes, it was that long ago. How time flies?!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)

Maraming netizens naman ang napa-comment at tuwang-tuwa sa pag-uwi ng Pilipinas ni BB.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“All I’m seeing is pure LOVE (red heart emoji) glad that your home  in the loving arms of your Mama (red heart emoji)”

“Naks Fil Am coming home, finally! Cheers and congrats”

“We missed you so much BB please do vlogs with Robin, Carmina and Ogie Diaz and have guestings in TV shows in the Philippines.”

Noong Abril ay inaprubahan ng U.S. ang kanyang pagiging American citizen matapos ang ilang paninirahan sa bansa.

Proud pa niya itong ibinahagi sa kanyang social media kalakip ang caption na, “#MovingOn: officially American (US flag emoji) Made in USA… the next chapter!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)

Habang five years ago ay inaprubahan ng Los Angeles court sa Amerika ang kanyang pagpapalit ng pangalan mula sa Rustom Padilla to BB Gandanghari.

Unang naglantad na gay si BB sa kasagsagan ng kanyang pagsali sa celebrity edition ng reality show na “Pinoy Big Brother” noong 2006.

Inanunsyo niya ang pagpapalit ng kanyang pangalan at nilinaw na siya ay isang transgender woman noong 2014 sa isang panayam with “Tapatan ni Tunying.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako

BB Gandanghari ganap nang US citizen, sey ni Ogie Diaz: Congratulations!

BB Gandanghari ibinandera ang kaseksihan: ‘Kabogera! Flawless pati singit talo pa tunay na babae!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending