Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako | Bandera

Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako

Reggee Bonoan |November 07,2021
facebook
share this

Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako

Reggee Bonoan - November 07, 2021 - 03:33 PM

NAKARATING na sa vlogger at talent manager na si Ogie Diaz ang maaanghang na pahayag ni BB Gandanghari laban sa kanya.

Lumabas dito sa BANDERA nitong Huwebes, Nob. 4 ang sagot ni BB sa naging reaksyon ni Ogie sa paalala ng dating aktor sa pamangkin niyang si Kylie Padilla at kay Aljur Abrenica. 

Diretsong sabi ni BB sa talent manager, “You have no credibility to me.”

Sabi ng co-host ni Ogie na si Mama Loi, matagal nang hinihintay ng viewers nila sa YT ang sagot nito habang ipinapakita ang Instagram live streaming ni BB habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan.

“Bakit ako ba ang pinatutungkulan niya? Hindi ako ang tinukoy niya, Darling, si Ogie Alcasid,” sagot ng komedyante.

At ipinakita ulit ang video na sinabi ni BB Gandanghari na halatang nagbiro, “Ikaw Ogie Alcasid, ha?  ‘Wag mo ako pinipikon.”

“Ay oo nga ‘no. Ha-hahaha!” tumawang sagot ng co-host ni Ogie.

“Diaz po ako,” kaswal pang sabi ng talent manager-vlogger.

“Baka nga siya ‘yung barking at the wrong tree at wala ka raw credibility?” tanong ni Mama Loi.

Ayon sa video ni BB, “I really wondering why people are watching you. Honestly you have no credibility to me, zero!”

“Pero dito ko napatunayan na meron akong credibility kasi siya (BB) ang nagbigay sa akin ng credibility kasi you know why?  Kasi sinabi natin dito (YT) na, ‘Diyos ko, si BB pa, e, wala namang magandang sinasabi ‘yan tungkol sa akin.’ So, ini-expect ko ‘yan na titirahin niya ako. Ayan nangyari na tinitira ako, e, di tama ako, di ba?

“Hayaan mo na BB, kanya-kanya tayong audience. Hindi ko naman para i-justify o i-dignify pa ‘yung mga sinasabi mo against me.

“Kung wala akong kredibilidad para sa ‘yo, so be it!  Wala akong kredibilidad para sa ‘yo, happy (sabay thumbs up)? Gusto ko happy ka!

“Kaya nasanay na ako kay BB.  Actually, pinapanood ko siya.  Pinanonood kita BB, ha?  Aliw na aliw ako sa ‘yo pramis! Wa echos!” masayang sabi ni Ogie.

Balik-tanong ni Mama Loi, “So hindi ka na inis sa kanya?”

“Hindi! Hindi!” diin ni Ogie. “Magtataka ako kung pupurihin niya ako! 

“Una, naloka ako ha! Hoy BB, ito gusto ko lang sabihin sa ‘yo BB Gandanghari makinig ka! (sabay nag-mellow at natawa).

“Uy seriously, ha. Grabe hindi namin kaya ‘yun, ‘yun nagla-live ka o nagba-vlog ka na ‘yung isang kamay mo nasa manibela tapos ikaw nakaganyan ka (muwestrang hawak ang selfie stick) habang nagmamaneho,” sagot ni Ogie.

Sabay tanong kay Mama Loi, “Kaya mo ‘yun?” “Hindi ah,” nakangising sagot nito.

“Nakakaloka nga mga comment.  Hoy, baka ma-misinterpret mo ‘yung pagmamalasakit nila lalo na kami ah?  ‘Wag mo nang gagawin ‘yan next time.  Baka kasi may ibang gumaya sa ‘yo!” payo ng vlogger sa kapwa vlogger.

Dagdag pa, “Na habang nagmamaneho ka, e, nagla-live ka, e, baka madisgrasya ka.”

Hirit naman ni Mama Loi, “E, baka ‘nay isipin niya naiinggit ka kasi nakakapagmaneho siya habang nagba-vlog siya?”

“E, di ikaw na! Hindi ko kaya ‘yan, ikaw ang may kakayahan niyan,” sabi pa ni Ogie. “Kahit galit ka sa amin, iisipin ko pa rin ang iyong kaligtasan BB na hindi mo dapat ginagawa ‘yun.  

“Gawin mo sa bahay mo, ‘wag ‘yung habang nagmamaneho nagba-vlog. Kung mabangga ka ako pa sisihin ng mga fans mo? Dahil tungkol sa akin ‘yung kuda mo, di ba? Alam mo naman di ba? Rustom is dead, ‘wag na nating dagdagan!”

“Ha!” reaksyon ni Mama Loi at maging si Dyosa Pockoh na nasa likod ay nagulat din sa sinabi ni Ogie.

Nabanggit pa ng talent manager na paano siya susundin nina Kylie at Aljur, “Kung naggaganyan ka? Hindi mo mahal ang sarili mo?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tama naman daw ang payo ni Ogie kina Kylie at Aljur na pag-usapan na lang sa personal ang gusot nila at hindi na ilantad sa publiko.

Payo ni BB Gandanghari kina Aljur at Kylie: Keep your dirty linens in the washroom

BB Gandanghari pumalag kay Ogie: You have no credibility to me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending