BB Gandanghari super happy sa bonding nila ni Mommy Eva at Robin Padilla | Bandera

BB Gandanghari super happy sa bonding nila ni Mommy Eva at Robin Padilla

Therese Arceo |January 12,2023
facebook
share this

BB Gandanghari super happy sa bonding nila ni Mommy Eva at Robin Padilla

Therese Arceo - January 12, 2023 - 11:05 PM

BB Gandanghari super happy sa bonding nila ni Mommy Eva at Robin Padilla

TALAGA namang super saya ng naging bonding ni BB Gandanghari kasama ang kanyang Mommy Eva at kapatid na si Robin Padilla.

Sa kanyang social media accounts ay panay ang pag-share nito ng mga video clips kung saan panay ang kanilang bonding ng kanyang mga kaanak.

Sa kabila ng mga masasaya nilang kulitan at family time ay hindi maiwasan ni BB ang maging emosyonal.

“Enjoying each others’ company… What else can I say?! I don’t want to be emotional but I’m missing this already and I’m still in Manila… lol,” saad niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)

Pagpapatuloy pa niya, “Thank you our Heavenly Father for this togetherness, for the memories created and the gift of laughter.”

Mayroon ring post si BB kung saan nagkakantahan sila ng kanyang kuyang Robin.

“The family that sing and laugh together, stays together… no inhibitions, no pretensions, no ego, just pure fun and enjoyment amongst family.

“More importantly, I don’t think #Mama [has] laughed as hard as she did that night. Will forever treasure this moment,” pagbabagi ni BB.

 

Maski ang mga netizens ay masaya habang pinapanood silang pamilya.

“Your smile is really contagious Ms Bb. Ang sarap ng feeling talaga pag kasama ang family. Enjoy every moment of it. Pagbalik sa US back to reality na namn ang buhay,” comment ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Quality time with our Parents is the best thing we could do to us and to our family !!!”

Matatandaang December 2022 nang magdesisyon siya na umuwi ng Pilipinas matapos ang pitong taong paninirahan sa Amerika.

Buhat nang umuwi siya ay talagang sinulit ni BB ang kanyang bakasyon dahil bukod sa family bonding ay nagpunta na rin ito sa iba’t ibang lugar at mga gatherings.

Kamakailan lang nang mag-host siya sa naganap na Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Fest.

Related Chika:
BB Gandanghari ibinandera ang kaseksihan: ‘Kabogera! Flawless pati singit talo pa tunay na babae!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BB Gandanghari ganap nang US citizen, sey ni Ogie Diaz: Congratulations!

Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako

BB Gandanghari bumalik na ng Pinas matapos ang 7 na taon, emosyonal nang makita ang kanyang Mama Eva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending