Cristy Fermin dasal pa rin ang paggaling ni Kris, nakatanggap ng larawan ng diumano'y tirahan ng aktres | Bandera

Cristy Fermin dasal pa rin ang paggaling ni Kris, nakatanggap ng larawan ng diumano’y tirahan ng aktres

Reggee Bonoan |July 23,2022
facebook
share this

Cristy Fermin dasal pa rin ang paggaling ni Kris, nakatanggap ng larawan ng diumano’y tirahan ng aktres

Reggee Bonoan - July 23, 2022 - 06:26 PM

Cristy Fermin dasal pa rin ang paggaling ni Kris, nakatanggap ng larawan sa diumano'y tirahan ng aktres

TILA nasa isang kumbento nakatira ngayon sina Kris Aquino at mga anak na sina Joshua at Bimby sa Houston, Texas USA.

Ito kasi ang ipinakitang larawan sa “Showbiz Now Na” YouTube Channel nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio na natukoy na address base sa reseta ng gamot ni Joshua Aquino, ang tunay na pangalan ni Josh.

Bungad ni Morly, “Ate Cristy mula sa ating kaibigan, kakilala o source may nagsabi sa akin ate Cristy, hindi ito tiyak o hindi ito kinukumpirma.

“Ito ay nakarating lang sa aking balita na one time itong si Josh ay binigyan ng gamot at may reseta at nandoon ang address.”

Hirit ni ‘nay Cristy, “’yung reseta may address. Di ba dapat kung nagtatago kayo, e, hindi na dapat inilalantad ‘yung mga panga-pangalan.”

Dagdag ni Morly, “oo siyempre kung ano ‘yung address na nakalagay, e, di doon kayo nakatira?”

“Ang address umano nina Kris ay 5123 Palm Royal BLVD Sugarland, TX. Kaya ate Cristy posibleng nandoon ngayon sina Kris na nakatira ro’n.”

Balik-tanong ng manunulat at host, “di ba pinadalhan ka ng picture?”

“Oo may ipinadalang picture sa akin ‘yung reseta plus hinanap kasi nila, ginugel nila kung saan itong (address),” say ni Morly.

Sabay pakita ng bahay, “parang simbahan, may cross.”

“May krus sa harapan tapos ang tahi-tahimik, ang daming mga halaman ang daming mga bakod,” sambit pa ni Morly.

“Ay parang ano ‘yan, fake news ‘yan ah,” giit naman ni Romel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Salo naman ni Nay Cristy, “Pasalamat tayo sa source ni Morly dahil kahit sa ibang bansa ay ginagalugad kung nasaan si Kris at ang mga anak niya. ‘Yun lang ang ating pasasalamat doon. Pero kung tiyak o anuman wala pong kasiguruhan ito dahil lahat naman ay naglalabasan.”

Naikuwento rin nina Romel at ‘Nay Cristy na may mga kumalat na balitang wala na si Kris pero sinalag ito ng huli na fake news ito.

“Dahil kung totoong namatay si Kris Aquino sa kanilang kampo manggagaling ang totoong balita, “diin ni ‘nay Cristy.

“Nai-radyo ko rin ‘yan ate Cristy maraming nagtatanong kung patay na si Kris Aquino, sabi ko, ‘wag nating patayin ang taong lumalaban pa,” sambit ni Morly.

“Kasabihan nating mga Pilipino pag pinapatay ang isang tao, lalong tumatagal ang kanyang buhay. ‘Yung pinagpapagawaan na ng nitso, lalong hahaba ang kanyang buhay,”saad ng host ng SNN.

Sa rami raw ng magagandang hospital sa Houston ay hindi alam kung nasaan si Kris dahil ang huling mensahe niya kay ‘nay Cristy ay naghahanap sila ng ibang hospital at nagpalit na rin ng team of doctors.

Iisa ang panalangin ng “Showbiz Now Na” hosts na sana gumaling na si Kris at makabalik na siya sa dati niyang buhay kasama ang mga anak na sina Josh at Bimby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Cristy Fermin umalma sa pag-alok ni Isko kay Joaquin para sa libreng booking: Hindi ko gusto ‘yun!

Kris Aquino natuloy nga ba sa paglipad patungong Amerika?

Cristy Fermin nanawagan sa madlang pipol na ipag-pray si Kris: Ang sama-samang panalangin po ay mas mabilis na nadidinig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending