Geneva ipina-tattoo sa braso ang pangalan ng yumaong ina; anak kay Paco 26 years old na
HANGGANG ngayon ay nangungulila pa rin ng Kapuso actress at OPM artist na si Geneva Cruz sa pagpanaw ng kanyang inang si Marilyn Cruz.
Mag-iisang taon na mula nang sumakabilang-buhay ang nanay ni Geneva matapos tamaan ng COVID-19 pero ramdam pa rin niya ang sakit ng pagkawala nito.
Kaya naman bilang pag-alala sa magagandang alaala ng kanyang pinakamamahal na ina, ipina-tattoo ng “Little Princess” kontrabida ang pangalan nito sa kanyang forearm.
Sa kanyang Instagram account, ipinakita ni Geneva ang bago niyang tattoo — sa kaliwang bisig niya ay makikita ang salitang “Mama” habang sa kanan naman ay nakamarka ang pangalan ng inang si “Marilyn Cruz”.
Ang caption na inilagay ng aktres at singer ay, “In honor of our mother.
“If love could have saved you, mama, you would have lived forever.
“I miss you so, so much. I wish people could realize the importance of a mother’s love while still living in this lifetime.
“I’ll do anything to hug you again, but I hope your pure love brings joy to people up in heaven, too, just like it did when you were here. I love you forever and always,” pahayag pa ni Geneva.
View this post on Instagram
Samantala, binati ng Kapuso star ang panganay na anak na si Heaven na nag-celebrate naman ng kanyang 26th birthday last March 18.
Ipinost ni Geneva sa IG ang luma at bagong litrato ng anak nila ng dating partner na si Paco Arespacochaga (ng Pinoy pop-rock band na Introvoys) na may caption na, “Merry 26th Birthday to my unico hijo, who keeps my heart beating.”
Tulad ng kanyang magulang, isa ring musician si Heaven at nagsisimula na rin ng kanyang career sa Amerika bilang independent hip-hop artist.
View this post on Instagram
May isa pang anak si Geneva, si London na 7 years old na ngayon.
https://bandera.inquirer.net/282460/nanay-ni-geneva-cruz-pumanaw-na-matapos-makipaglaban-sa-covid-19
https://bandera.inquirer.net/302658/geneva-nang-alukin-ng-gma-bilang-kontrabida-sabi-ko-teka-muna-di-ko-alam-kung-matutuwa-ako-diyan
https://bandera.inquirer.net/281941/nanay-kapatid-ni-geneva-tinamaan-din-ng-covid-pamilya-humiling-ng-dasal-at-tulong-pinansyal
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.