Kiray Celis kinilig sa bagong tattoo ng dyowa: Mahal na mahal na, patay na patay pa! | Bandera

Kiray Celis kinilig sa bagong tattoo ng dyowa: Mahal na mahal na, patay na patay pa!

Therese Arceo - February 18, 2022 - 09:55 AM

Kiray Celis kinilig sa bagong tattoo ng dyowa: Mahal na mahal na, patay na patay pa!

LABIS labis ang saya at kilig na nadarama ni Kiray Celis nang malaman niya na muli na naman siyang ipina-tattoo ng kanyang dyowang si Stephen Estopia.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan ng kanyang dyowa habang pine-flex nito ang pinakabagong tattoo sa braso, ang pangalan ng aktres.

Saad ni Kiray, “Hiniling ko lang naman na bigyan ako ng lalaking mahal na mahal ako. Pero ang dumating, mahal na mahal na, patay na patay pa. HAHAHAHAHA!”

Ayon kay Stephen, ito na lang ang naisip niyang iregalo sa kasintahan ngayong Valentines dahil hindi naman daw ito mahilig sa mga bulaklak.

“GRABE KA TALAGA @stephan.estopia! Inggit na inggit nanaman yung isa..” dagdag pa ni Kiray.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)

Hula namin ay si Senyora, isang sikat na Facebook page at number 1 kabardagulan niya online ang pinatatamaan nito.

Reply naman ni Stephen sa post ni Kiray, “Mahal na mahal kita asawa ko.”

Hindi naman ito ang unang beses na mag-patattoo si Stephen na may kinalaman kay Kiray.

Nauna na niyang ipatattoo ang mata ng dalaga sa kanyang katawan bilang tanda ng kanyang pagmamahal sa aktres at ngayon naman ay ang pangalan ng dalaga.

Base rin sa saad ni aktres, same tattoo artist pa rin ang nag-tattoo sa kanyang dyowa.

Aliw naman ang mga comments ng netizens sa post ni Kiray.

Saad ng IG user na si @iamkieth21, “Ikaw na maganda Kiray. Mga alikabok lang talaga kami sa mundong eto.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit naman ng isa pang netizen, “Naku talaga pag kayo nagka hiwalay ay ewan ko nalang talaga!!”

 

Related Chika:
Mata ni Kiray ipina-tattoo ng dyowa sa dibdib: Alam ko patay na patay ka sa akin!
Malisyosong netizen supalpal kay Gretchen Ho: Grabe, di ba? Ang lala at ang bastos!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending