Walang niretoke sa mukha ni Sharon; pero pumatol na sa Liposuction para pumayat | Bandera

Walang niretoke sa mukha ni Sharon; pero pumatol na sa Liposuction para pumayat

Cristy Fermin - May 10, 2015 - 02:00 AM

sharon cuneta

Mahihirapan na nga sigurong bumalik pa ang dating timbang ni Sharon Cuneta. Isang grupo ng mga kababayan natin ang nagsadya sa ABS-CBN para sa kanilang educational trip, tiyempo namang dumating ang Megastar, tuluy-tuloy na naglakad si Sharon papasok sa studio at kumaway na lang sa mga nag-iikot sa istasyon.

Napansin ng grupo na napakalaki pa rin ng singer-actress, hinahanap siguro ng mga ito ang sinasabing nabawas sa kanyang dating mabigat na timbang, pero hindi makita ng mga ito ‘yun.

Lumobo kasi si Sharon nitong mga nakaraang panahon, literal siyang napabayaan sa kusina, kaya lumaki at bumigat siya nang todo. Pero malaki na rin ang nabawas sa kanya nu’ng lagay na ‘yun.

Malaki na ang ipinayat niya, disiplinado na rin siya sa pagkain, alam ni Sharon na kundi niya gagawin ‘yun ay magpapatuloy ang kanyang paglobo.

Pero sa kabila ng paglusog ng singer-actress ay maganda pa rin siya may make-up man o wala. Katawan lang talaga ang problema ni Sharon pero ang walang enhancement niyang mukha ay nandiyan pa rin at kumakabog sa kanyang mga kasabayan.

Nu’n pa man ay big bone na si Sharon, maaasahan na ang kanyang paglaki, pero huwag na lang sanang madagdagan pa nang madagdagan.

“Walang binago sa face ni Shawie, original lahat ‘yun. Liposuction lang ang pinatulan niya dahil kailangan,” pagdidiin pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending