Lolit Solis bet na bet ang tambalang Alden Richards, Julia Montes

Lolit Solis bet na bet ang tambalang Alden Richards, Julia Montes: ‘Sana matapos agad para mapanood na!’

Pauline del Rosario |May 07,2023
facebook
share this

Lolit Solis bet na bet ang tambalang Alden Richards, Julia Montes: ‘Sana matapos agad para mapanood na!’

Pauline del Rosario - May 07, 2023 - 11:31 AM

Lolit Solis bet na bet ang tambalang Alden Richards, Julia Montes: ‘Sana matapos agad para mapanood na!’

Lolit Solis, Julia Montes, Alden Richards

PATI ang talent manager at kolumnista na si Lolit Solis ay super excited na sa bagong tambalan nina Alden Richards at Julia Montes.

Sa isang Instagram post, ibinalita ni Manay Solis na maganda ang pagtanggap ng fans sa pagsasama ng dalawa.

“Enjoy siguro si Alden Richards na ang ganda ng reaksyon ng fans sa gagawin nilang project ni Julia Montes,” sa kanyang caption.

Paliwanag pa niya, “Kasi nga bagong-bago at very fresh ang idea kaya very challenging ang pagsasama nilang dalawa.”

Nabanggit pa ng kolumnista na marami na ang nasasabik at looking forward na mapanood ang outcome ng proyekto.

Sey niya, “Ngayon pa lang excited na ang lahat para dito kaya naman sana talaga matapos agad para mapanood na.”

Inihayag pa ni Manay Solis ang kanyang mga papuri sa dalawang artista.

Baka Bet Mo: Alden Richards gustung-gustong magpakalbo pero bawal; Julia naniniwalang panglaban sa Hollywood ang mga Pinoy

“Hindi katakataka dahil mahusay na artista si Julia Montes, at sa category ngayon ni Alden dapat talaga iba’t ibang putahe ang ibinibigay niya sa kanyang mga fans,” lahad ng talent manager.

“Itong pagtatambal nila ni Julia Montes pictorial pa lang parang napaka-exciting na kaya naman talagang hihintayin mo agad ang finish product,” dagdag niya.

Ani pa ni Manay Solis, “Talagang ang swerte ni Alden na lahat ng ginagawa niya talagang worth the wait. Bongga talaga.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Ang pagsasamahang pelikula nina Alden at Julia ay pinamagatang “Five Break-Ups and A Romance.”

Kasalukuyan na ‘yan sinu-shoot at mula sa diresyon ni Irene Emma Villamor.

Ayon sa naunang interview sa dalawa, mapapanood sa bagong pelikula ang ilang eksena na hindi pa nila nagagawa sa past projects nila.

Wala pang masyadong detalye, pero may out of the country shoot ang nasabing pelikula.

Related Chika: 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin sinabing pumalpak ang gamutan ni Kris Aquino, lilipat nga ba ng ospital?

Kylie hindi na nakapagtimpi kay Cristy Fermin: Grow up! Ang tatanda nyo na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending