Lolit Solis bet na bet si Nadine Lustre: Mukha siyang natural at walang arte kasama | Bandera

Lolit Solis bet na bet si Nadine Lustre: Mukha siyang natural at walang arte kasama

Therese Arceo - January 05, 2023 - 08:28 PM

Lolit Solis bet na bet si Nadine Lustre: Mukha siyang natural at walang arte kasama

KAHIT na may sakit at tuloy-tuloy ang gamutan ay updated pa rin talaga ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa mga ganap sa Metro Manila Film Festival.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya nga ang tapatan ng dalawang pelikula na “Partners in Crime” ni Vice Ganda at “Deleter” ni Nadine Lustre.

“Katawa ang labanan na Nadine Lustre at Vice Ganda, Salve. Iyon bang hindi mo akalain biglang humirit ang Deleter ni Nadine at talunin ang movie ni Vice Ganda,” simula ni Manay Lolit.

Pagpapatuloy pa niya, “Para bang heto O, babae ako, tunay na babae, kaya talo ka. Hah hah, joke lang.”

Pero bet na bet raw ni Manay Lolit ang muling pag-ingay ng pangalan ng aktres.

“Ngayon dagdag na si Nadine sa makinang na star at puwede nang ilaban sa mga sinasabing star. Dahil siya talaga ang star ng festival. Mahirap pantayan ang naging resulta ng Deleter niya,” lahad pa ng kolumnista.

Ani Manay Lolit, hindi raw niya alam kung bakit pero kahit hindi pa niya nakikita nang personal ang dalaga ay type na type na niya ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Sey pa niya, “Very simple ang face niya at mukha siya na natural at walang arte kasama. Gusto ko rin na parang casual na casual lang ang kilos niya at hindi magnanakaw ng eksena tulad ng ibang artista.”

Hirit pa ni Manay Lolit, “Kaya naman sa tutoo lang, pag naging maganda mga career move ni Nadine Lustre this year, siya magiging hottest star ng 2023, bongga!”

Anyway, showing pa rin ang Metro Manila Film entries hanggang January 7 kaya gora na sa pinakamalapit na sinehan sa inyo at panoorin ang iba’t-ibang pelikulang Pilipino.

Related Chika:
Lolit Solis pinatawan ng parusang ‘expulsion’ ng PAMI: ‘Wala na ang Lolita, mag-enjoy na ang mga plastikada!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis kay Vhong Navarro: Malaking sayang ang naganap sa buhay niya

Lolit Solis kay Vhong Navarro: Malaking sayang ang naganap sa buhay niya

Lolit Solis super saya sa pagdalaw ni Paolo Contis: Talagang mukha siyang happy at contented!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending