Lolit Solis kay Vhong Navarro: Malaking sayang ang naganap sa buhay niya | Bandera

Lolit Solis kay Vhong Navarro: Malaking sayang ang naganap sa buhay niya

Therese Arceo |November 30,2022
facebook
share this

Lolit Solis kay Vhong Navarro: Malaking sayang ang naganap sa buhay niya

Therese Arceo - November 30, 2022 - 07:38 PM

Lolit Solis kay Vhong Navarro: Malaking sayang ang naganap sa buhay niya
MASKI ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ay naaawa sa sinapit ng TV host-comedian na si Vhong Navarro.

Sa kanyang Instagram account ay tinalakay ng kolumnista ang kasalukuyang kalagayan ng Kapamilya actor.

“Nakakaawa talaga ang nangyari kay Vhong Navarro, Salve. Pero alam natin na may hustisya parin sa atin,” umpisa ni Manay Lolit.

Aniya, kung ano man daw ang tunay na nangyari sa kanila ng modelong si Deniece Cornejo ay silang dalawa lang ang nakakaalam at ang kanilang konsensya lamang ang maaaring makapagsaji kung ano ang tunay na nangyari at kung ano man ang naging relasyon nila.

Saad pa ni Manay Lolit, “Isang malaking aral para sa lahat ng celebrity ang nangyari kay Vhong Navarro. Kailangan maging maingat sa anuman relasyon at sa sinuman makaka relasyon.”

Lubos rin ang kanyang panghihinayang niya dahil tila nasayang ang mga pinaghirapan ni Vhong sa kanyang career.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

“Sayang lahat ng magiging tagumpay mo kung sa isang iglap mawawala ito. Sayang ang binuo mong pangalan kung bigla na lang masisira ng isang pagkakamali,” sey ni Manay Lolit.

Hiling pa niya na sana ay matulungan ang TV host-comedian ng mga dasal ng mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

Hirit pa ni Manay Lolit, “Siguro sa ngayon parang gumuho ang lahat para kay Vhong kaya sana matulungan siya ng mga dasal ng mga taong nagmamahal sa kanya. Siguro nga kahit si direk Chito Rono hindi akalain na magiging ganito ang kapalaran ni Vhong Navarro.

“Malaking Sayang ang naganap sa buhay niya na sana ay malagpasan niya at mabalik muli ang lahat ng magagandang pangyayari sa buhay niya.”

Hirit pa ni Manay Lolit ay sana’y patuloy na maniwala ang “It’s Showtime” host sa hustisya at patuloy itong manalig sa Panginoon.

Sabi pa niya, “Sana patuloy lang siya sa pananalig sa justice at sa tulong ni God. Look up, Vhong Navarro, don’t stop believing, bongga.”

Related Chika:
Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Vhong dinedma lang ng kaibigang hiningan ng tulong; Billy malungkot na malungkot dahil sa sinapit ng kaibigan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Alonzo ipinagdarasal si Lolit Solis: I heard she’s sick, lalong hindi ako sasagot…I respect her so much

Lolit Solis sa kaso ni Vhong Navarro: Iwanan na natin sa hustisya ang lahat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending