Lolit Solis pinatawan ng parusang 'expulsion' ng PAMI: 'Wala na ang Lolita, mag-enjoy na ang mga plastikada!' | Bandera

Lolit Solis pinatawan ng parusang ‘expulsion’ ng PAMI: ‘Wala na ang Lolita, mag-enjoy na ang mga plastikada!’

Ervin Santiago - October 19, 2022 - 10:55 AM

Lolit Solis pinatawan ng parusang 'expulsion' ng PAMI: 'Wala na ang Lolita, mag-enjoy na ang mga plastikada!'

Bea Alonzo at Lolit Solis

TSINUGI na ang talent manager at online host na si Lolit Solis sa  Professional Artists Managers, Inc. (PAMI), ang samahan ng mga talent managers sa Philippine entertainment industry.

Mismong si Manay Lolit ang nagbalita sa kanyang social media followers na expelled na siya sa PAMI at tinatanggap naman niya ito nang maluwag sa kanyang kalooban.

Ipinost ng talent manager ang natanggap na formal letter mula sa nasabing grupo kalakip ang kanyang saloobin hinggil dito.

“Nalungkot ako Salve ng matanggap ko ang EXPULSION letter ng PAMI. Alam ko na may nagawa akong kasalanan kaya tanggap ko ang parusa.

“Humanga ako dahil naging matapang si June Rufino this time na gumawa ng stand. Maganda example na ipakita nila sa lahat na binibigyan nila ng parusa ang mga hindi sumunod sa rules ng PAMI,” pahayag ni Manay Lolit.

Pagpapatuloy pa niya, “I am sorry for messing up, at mabuti nga ginawa nila ito at baka dumami pa ang mag resign tulad ni Shirley Kuan. Ngayon hindi na magri resign ang mga ayaw sa akin, dahil expelled na ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)


“At least, na EXPEL ako dahil sa ibang rason at hindi dahil sa BULLY ako. I admit to my mistake, I bow to June Rufino as president of PAMI, and I hope the organization at ang mga members magtagumpay lahat lalo na ang mga alaga nila na parang anak na kaya inilalaban ng patayan gaya ni Shirley Kuan kay Bea Alonzo.

“Wish all of you well and success. Your EXPELLED member, Lolita Solis,” pahayag pa ng dating TV host.

Sa isa pa niyang IG post, makikita ang litrato ng mga opisyal at miyembro ng PAMI at may caption na, “Na sad din ako na hindi na ako member ng PAMI ? Marami din naman happy memories sa akin ang organization, at mas mabuti ngang tahimik na sila na wala na ako dun.

“Sana nga magbalik na si Shirley Kuan sa PAMI dahil wala na ang BULLY na sinasabi niya. At least hindi ako na expel dahil PLASTIC ako, or isang member na lagi tsismis ng isang co member dahil sa inggit, or dahil NANULOT ng talent ng ibang manager.

“Technical reason ang dahilan. Ayaw kong matawag na sour graper, kaya tanggapin ko ng maluwag sa loob ang expulsion. Will it make me less of a person pag walang PAMI?

“Or will it make better? Whatever, basta alam ko na may mga member parin na naging tutoo sa akin, marami ang plastic lang, at okey na magsama sama sila ngayon para maging kumpetensiya ng OROCAN, hah haha!” sabi ni Manay Lolit.

Hirit pa niya, “For my real friends in Pami, thanks, duon sa mga plastic, enjoy. Sana magkaruon na ng trabaho ang mga talent nyo para maka get kayo ng komi. At huwag tsismis ang inaatupag nyo.

“Lambingin nyo na uli magbalik PAMI si Shirley para kumpleto kayo, big loss sa inyo na mawala ang English speaking British accent na bonggang member.

“Wala na ang Lolita, mag enjoy na ang mga plastikada, hah hah. Start na ako sa research team para mamulot ng mga pang blind items , palagay mo Gorgy at Salve, very juicy ang makukuha ng research team? Hah hah, wait lang kayo, bongga talaga!” pagtatapos pa ng controversial talent manager.

Lolit Solis tinawag na ‘lola’ si Bea Alonzo: Mas mukhang bata si Marian Rivera

Lolit Solis kinumpirmang buwag na ang online tandem nila ni Cristy Fermin: Pupunta siya sa mas masayang lugar

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahit malala pa rin ang sakit…Kris Aquino agad inalam ang mga kailangan ni Lolit Solis sa pagda-dialysis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending