Maris Racal rumampa sa red carpet ng Berlinale 2025: ‘Truly unforgettable!’

PHOTO:Instagram/@mariestellar
SLAY na slay si Maris Racal sa kauna-unahan niyang red carpet sa 75th Berlin International Film Festival o Berlinale 2025!
Tila naging head-turner siya dahil sa pak na pak niyang elegant look na suot ang backless pastel green long gown.
Pag-amin pa ng aktres sa kanyang Instagram post, ang pagdalo niya sa nasabing international film fest ay “unforgettable.”
Para sa mga hindi aware, nagpunta doon si Maris dahil kabilang sa nominasyon ang pinagbibidahan niyang pelikula na “Sunshine.”
Baka Bet Mo: Maris Racal, Alexa Ilacad nagbilad ng kaseksihan sa ‘Hot Summer in Baler’ ng Star Magic
Maris Racal rumampa sa red carpet ng Berlinale 2025: ‘Truly unforgettable!
“My first Berlinale International Film Festival—truly unforgettable. I simply cannot wait for Sunshine’s European premiere. I’m so happy for us [@project8projects @tonetjadaone] huhu what a milestone [crying emoji],” caption niya sa post.
View this post on Instagram
Ang “Sunshine” ng dalaga ay ilalaban sa ilalim ng Generation 14plus category kung saan kasali rin ang pelikula mula sa iba’t-ibang bansa.
Kabilang na ang “Barbed Wire” ng Brazil; “Christy” ng United Kingdom at Ireland; “Our Wildest Days” na gawa ng Greece at France; “Paternal Leave” mula Germany at Italy; “Playtime” from Brazil; “Sandbag Dam” ng Croatia, Lithuania at Slovenia; Brazil, “Sunset over America” mula Chile at Colombia; “The Tale of Daye’s Family” from Egypt; “Têtes Brûlées” ng Belgium; “Village Rockstars 2” mula India at Singapore; at “Wrong Husband” na entry ng Canada.
Bago ‘yan, maaalalang ipinalabas at inilaban din ang nasabing pelikula sa Toronto International Film Festival (TIFF) last year, pati na rin sa Palm Springs Film Festival nitong taon.
Ang pelikula ni Maris ay umiikot sa istorya ng isang babaeng gymnast na may pinaghahandaang Olympic competition, pero sa kasamaang palad ay bigla siyang nabuntis bago ang nakatakdang tryouts para sa national team.
Dahil diyan, gagawa siya ng mga paraan upang malaglag ang bata sa kanyang sinapupunan.
Tampok din sa pelikula sina Annika Co, Jennica Garcia, Elijah Canlas, Meryll Soriano at Xyriel Manabat.
Samantala, ilan lamang sa mga rumampa sa red carpet ng Berlinale 2025 ay ang Hollywood stars na sina Timothée Chalamet, Fiona Shaw, Emma Mackey, at marami pang iba.
Ang film festival ay aarangkada hanggang February 23 sa Germany.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.