Tsong may inamin sa nakaraan nila ni Sylvia: Marupok lang po | Bandera

Tsong may inamin sa nakaraan nila ni Sylvia: Marupok lang po

Alex Brosas - September 02, 2019 - 12:30 AM

NAUNGKAT ang muntik nang romance between Sylvia Sanchez and Joey Marquez na magkasama sa Pamilya Ko. Mag-asawa ang ganap nila sa upcoming ABS-CBN TV series. Naging leading lady kasi ni Joey sa ilang movies si Sylvia at may chikang pinormahan niya ito.

“Hindi naman po muntik maging dyowa kasi si Ibyang ilang beses kong naging leading lady noon araw. Batambata siya, ang ganda-ganda niya, ang puti-puti, ang sexy-sexy.

“Siyempre, bilang marupok na tao, nagkakaroon ng konting imahinasyon, maraming beses na kapag naiiwan kami sa kuwarto, dressing room, alam mo na, bilang pilyo, magtatangka at dahan-dahang lumalapit sa kanya. Tapos bigla siyang sisigaw, ‘Si Nes, andiyan si Alma (Moreno). Tatakbo na ako paatras,” paliwanag ni Joey.

“So, sa dami-daming experience, naging mas close kami at saka nawala ‘yung malisya. Kaya ginagamit namin ito sa pinagagawa sa amin ni direk. Pinalalabas namin na natural talaga,” he added.

q q q

Watched “Abandoned,” an iWant movie starring Beauty Gonzales and Seth Fedelin.

Beauty plays a security guard na naka-witness ng krimen sa puwestong kanyang binabantayan. Anak naman niya si Seth.

Since she did not do anything nang mangyari ang krimen, hindi siya ibinalik sa dati niyang puwesto. Instead, inilagay siya ng kanyang amo sa isang abandoned building.

Doon na nagsimula ang kanyang kalbaryo dahil kung anu-anong element ang kanyang nakikita at nararamdaman.

Beauty’s role is physical taxing and emotionally draining but she was able to pull it through. Ang galing niya and we couldn’t think of another actress to play her role.

Seth’s being introduced in the film and he didn’t disappoint. Although he is still a newbie, naitawid naman niya ang kanyang mapaghamong role bilang anak na hindi mo alam kung sinungaling or hindi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending