Sylvia: ‘Magdasal ka kaysa nagkakalat ng fake news!’

Sylvia sa fake account ng mister: ‘Magdasal ka kaysa nagkakalat ng fake news!’

Pauline del Rosario - November 14, 2024 - 04:01 PM

Sylvia sa fake account ng mister: ‘Magdasal ka kaysa nagkakalat ng fake news!’

PHOTO: Instagram/@sylviasanchez_a

GIGIL na gigil ang batikang aktres na si Sylvia Sanchez sa recent social media post niya.

Natuklasan niya kasi ang pekeng account na ginagamit ang pangalan ng kanyang mister na si Art Atayde.

Sa Instagram, ibinandera ng aktres ang screenshot ng nasabing account at kitang-kita na ang ginawang profile picture pa ay kasama si Sylvia at ang daughter-in-law nila na si Maine Mendoza.

May dalawang tao pang hagip sa picture, pero ito ay hindi na makita dahil lagpas na sa image size.

Sa caption, ramdam ang galit ni Sylvia at ito ang kanyang mensahe: “Hoy!!!!!! Isa kang FAKE NEWS Kuya!!! Kaloka ka!!!”

Baka Bet Mo: Ai Ai perfect daw bumida sa life story ni Angelica Yulo; Sylvia bagay din

“Pahinga ka naman!! Simba ka po at dasal para kaawaan ka ng DIYOS kesa nang FIFAKE NEWS ka [angry face emojis],” patuloy niya.

Babala pa ng aktres sa publiko, “Ingat po sa account na ito!!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)

Sa comment section, marami ang nagpaabot ng suporta kay Sylvia at sa kanyang pamilya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Grabe naman report na yan [laughing emoji].”

“Grabe [shocked emoji] si Tito Art pa talaga ha never ko nadinig na nanghingi si tito [laughing emoji] scammer na palpal [laughing emoji].”

“Gagawa nalang ng account manggamit pa ng ibang name, sama nila!”

“Nagiging jejemon si boss Art [laughing emoji].”

“Andami ganyan jusko hanggang telegram kakainis.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ingat tayo marami mangloloko magpapasko.”

“Grabe mga tao ganyan walang takot sa lahat ng nangyayari sa mundo di pa din nagbabago gusto talaga sa impyerno…o baka doon na bahay nila nagbakasyon lang sa lupa grabe.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending