Vice Ganda iniyakan ang ‘Miss Q&A Kween of Multibeks’ finals: ‘Di ako napayagan for a valid reason | Bandera

Vice Ganda iniyakan ang ‘Miss Q&A Kween of Multibeks’ finals: ‘Di ako napayagan for a valid reason

Pauline del Rosario - October 23, 2022 - 03:31 PM

Vice Ganda

Vice Ganda (PHOTO: Instagram/@praybeytbenjamin)

TILA “missing-in-action” ang “Unkabogable Star” na si Vice Ganda sa isa sa pinakamahalagang segment ng “It’s Showtime” – ang grand finals ng “Miss Q&A: Kween of the Multibeks.”

Marami ang umaasa na nandoon si Meme Vice lalo na’t siya ang nagtaguyod ng naturang gay pageant.

Kaya bago pa man siya hanapin ng madlang pipol sa social media ay kaagad na siyang nag-post upang ipaliwanag kung bakit siya “absent.”

Sinabi niya na hindi kasi siya pinayagang dumalo at iniyakan pa nga niya ito.

Tweet niya, “Sorry po wala pa rin ako sa Showtime.

“Kagabi pa ko umiiyak dahil di ako napayagan for a valid reason.

“Di ako pumayag na iadjust ang date ng Finals kasi this event is not about me.

“It’s about these beautiful girls and their talents.

“So for now let’s focus on them.”

Hirit pa niya na kahit siya ay nadidismaya dahil bukod sa may pinagawa siyang gown, napaka importante raw ng segment para sa kanya.

Saad sa post, “Kung alam nyo lang kung gaano to kasakit para sa akin.

“This segment is very important to me and very close to my heart.

“Aside from the fact na di ko masusuot yung mga pinagawa kong gowns para aliwin ko.”

Samantala, binanggit naman ng TV host-actress na si Anne Curtis na si Vice ang gumawa ng questions para sa grand finals.

Ang nanalo sa ikatlong season ng “Miss Q&A” ay si Anne Patricia Lorenzo.

Bukod sa korona, naiuwi niya ang tumataginting mga pa-premyo na P500,000 cash prize, P450,000 worth of negosyo package, at P100,000 worth ng pampaganda package.

Ang nagpanalo sa kanya ay ang kanyang sagot sa final question na, “Naniniwala kabang may taong tanaga?”

Sinagot niya ito ng mabilis at sinabing naniniwala raw siya dahil lahat naman daw ng tao ay nilikha ng Diyos na matatalino.

Sey niya, “I believe, oo.

“Naniniwala akong may taong tanga.

“Bakit? Dahil sinasadya niyang magpakatanga kahit lahat naman tayo ay may kakayahang malaman kung ano ang tama at mali.

“Nilikha tayong matalino, pero choice natin magpakatanga at sila yung mga totoong taong tanga dahil pinipili nila magpakabobo sa sitwasyong kailangan naman nila at kayang-kaya nilang maging matalino.

“Tulad na lang sa pagpili ng pinuno ng ating bayan.

“Nagiging tanga tayo dahil alam naman natin kung sino ang may kredibilidad at may kakayahan pero nagpapadala pa rin tayo sa mga taong may mga matatamis na mga salita at iyan ang pagkakataong may taong tanga.”

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda nag-sorry sa madlang pipol, absent sa ‘Miss Q&A Queenfinity War’

Vice Ganda, Zephanie walang isyu sa isa’t isa, nagbeso nang magkita sa isang event

Vice Ganda nag-sideline bilang P.A. kay Regine, tinilian si Robi: Hindi pwedeng basta-basta yumayakap sa artista ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending