Vice Ganda, Zephanie walang isyu sa isa't isa, nagbeso nang magkita sa isang event | Bandera

Vice Ganda, Zephanie walang isyu sa isa’t isa, nagbeso nang magkita sa isang event

Reggee Bonoan |October 21,2022
facebook
share this

Vice Ganda, Zephanie walang isyu sa isa’t isa, nagbeso nang magkita sa isang event

Reggee Bonoan - October 21, 2022 - 01:08 PM

Vice Ganda, Zephanie walang isyu sa isa't isa, nagbeso nang magkita sa isang event
SA nakaraang kaarawan ng talent manager na si Perry Lansigan ay nilapitan ni Zephanie Dimaranan ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda na parehong bisita sa party at naroon din ang content creator at talent manager ding si Ogie Diaz.

Matatandaang nagkaroon ng isyu noong nagparinig si Vice bago hirangin si Khimo Gumatay bilang Idol Philippines Season 2 grand winner na sinuman ang mananalo ay sana manatili muna sa ABS-CBN.

Obviously, si Zephanie ang pinarunggitan ni Meme Vice ayon sa netizens dahil siya ‘yung unang nanalong Idol Philippines tapos lumipat ng GMA 7.

Valid ang katwiran ni Zephanie dahil sumabay sa COVID 19 pandemic plus sarado pa ang ABS-CBN kaya walang offer o kung mayroon man ay hindi regular. E, kailangan ng dalagang singer ng regular job dahil pinag-aaral niya ang sarili niya plus tumutulong siya sa gastusin sa pamilya niya.

Para kay Vice ay may say siyang magsalita dahil isa siya sa dahilan kung bakit nanalo si Zephanie dahil ipinagtanggol niya ito sa deliberations sa kapwa niya mga hurado tulad nina Moira Dela Torre, James Reid at Regine Velasquez, pero hindi naman nito tinukoy ang pangalan ng dalaga sa parinig niya.

Nang lumaki ang isyu ay walang narinig mula kina Vice at Zephanie, hindi sila nagsalita kaya kusang namatay ang isyu.

At sa pagkikita nga nang dalawa ay unang lumapit nga ang dalaga at bumeso kay Vice bilang respeto.

Sabi ni Vice, “Nakakalokah ‘yung isyu sa ating dalawa.”

Sinagot naman ni Zeph, “Kaya nga po, eh. Pero alam ko po na ano-ano lang ng mga tao.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

“They will always make a big deal out of very simple thing,” sambit ng TV host/actress

“Okay lang naman po. We know po naman,” sagot ng dalaga at sabay beso para magpaalam kay Vice.

Sabay baling ni Vice kay Ogie, “Diyosko mga tao, ginawan kami ng isyu ni Zephanie, ha, ha, ha.”

Sabi naman ng content creator, “Ha, ha, ha, hindi nila nage-gets.”

Hirit pa ni Vice, “konting kibot may ibig sabihin na agad sa mga tao, tapos malaking-malaking bagay sa buhay nila.”

Sabi pa ni Ogie, “hindi nila alam, bet mo ‘yan, di ba?”

“Baby ko ‘yan,” saad ni meme Vice.

Totoo naman na talagang si Vice and defender noon ni Zephanie.

Siyempre hindi rin masisisi ang supporters ni Zephanie na ipagtanggol siya dahil nu’ng sinabi nga iyon ni Vice ay seryoso siya kaya sineryoso rin siya ng fans.

At least malinaw na walang isyu sa pagitan nina Vice at Zephanie.

Related Chika:
Hugot ni Vice Ganda sa grand finals ng ‘Idol PH’ patutsada ba kay Zephanie Dimaranan?

Vice kinuyog ng fans ni Zephanie, pinagsabihan ni Cristy: Nasasabi niya ‘yan dahil milyonaryo siya, marami siyang pera

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

‘Walang masama kung lumipat man si Zephanie sa GMA, kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya’

Idol PH Zephanie Dimaranan binago ang look; umaming ‘crush’ sina Inigo at Darren

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending