Vice kinuyog ng fans ni Zephanie, pinagsabihan ni Cristy: Nasasabi niya ‘yan dahil milyonaryo siya, marami siyang pera | Bandera

Vice kinuyog ng fans ni Zephanie, pinagsabihan ni Cristy: Nasasabi niya ‘yan dahil milyonaryo siya, marami siyang pera

Reggee Bonoan |September 21,2022
facebook
share this

Vice kinuyog ng fans ni Zephanie, pinagsabihan ni Cristy: Nasasabi niya ‘yan dahil milyonaryo siya, marami siyang pera

Reggee Bonoan - September 21, 2022 - 08:38 AM

Zephanie at Vice Ganda

KALIWA’T kanang pamba-bash ang inabot ni Vice Ganda nang payuhan niya ang mananalong “Idol Philippines” season 2 sa ginanap na grand finals ng reality singing search.

Sabi ni Vice huwag daw muna sanang aalis ng Kapamilya network ang magiging champion na ang pinariringgan ay ang Season 1 grand winner na si Zephanie Dimaranan na nasa GMA 7 na ngayon.

Gusto naming intindihin si Vice sa pahayag niyang ito dahil nasaktan siya siguro sa pag-alis ni Zeph sa ABS-CBN dahil nga ipinaglaban niya ito noong contestant palang ng “Idol Philippines”kung saan isa siya sa mga hurado kasama sina Moira dela Torre, James Reid at Regine Velasquez.

Sabi ni Vice noon kay Zephanie, “’Yung laban mo Zephanie ay laban ko kasi ikaw ‘yung ipinaglaban ko noong namili kami ng top 12.  I fought for you kasi may nakita akong espesyal talaga sa ‘yo at ipinaglaban kita.

“Nagdarasal ako at nagpapasalamat ako sa mga hurado kasi naniwala na rin sila at linggu-linggo kapag nakikinig ako ng mga komento nila, unti-unti naniniwala na talaga sila sa kakayahan mo at nakikita na nila na paningning nang paningning ang bituin mo. At naniniwala ako na dapat nasa grand finals ka ng Idol Philippines,” sabi ng TV host.

View this post on Instagram

A post shared by Zephanie (@zephanie)


Ang isyung ito ang pinag-usapan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa programang “Cristy Ferminute” sa Radyo5 92.3 News FM kahapon.

Ani Romel, ipinagtanggol si Zephanie ng kanyang fans, “Sana alam mo Vice Ganda na hindi ni-renew si Zephanie ng ABS kaya siya lumipat.”

Say naman ni ‘Nay Cristy, “Saka magpakatotoo tayo nasasabi ‘yan ni Vice Ganda dahil milyonaryo siya, marami siyang pera.

“Pero para sa isang batang gaya ni Zephanie na siya ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya at itong bata ay nangangarap at nagsisikap kaya nga siya nag kampeon, di ba? Ginawa nu’ng bata ang lahat-lahat.

“At ano naman ang gagawin niya sa ABS-CBN napakarami ninyong artista (singers) na wala ngang ginagawa hindi pa ni-renew.  Natural hahanap ‘yung bata nang ibang bakuran kung saan siya maaring kumita at matulungan.  Ano naman ang kasalanan ni Zephanie ro’n?” sabi pa ng beteranang kolumnista.

“Korek! At saka nanay sana naging masaya na lang siya (Vice) dahil hindi naman kinakalimutan ni Zeph kung saan siya nagmula (at) dala-dala pa rin naman niya ang pagiging Idol Philippines kahit saan siya pumunta,” opinyon naman ni Romel Chika.

At dito nasambit ni ‘Nay Cristy na nakakapagsalita ang ex-judge ng “Idol Philippines” Season 1 dahil napaghandaan na nito ang kanyang kinabukasan.

“Pero kapag ang kinikita ng isang personalidad ay hand-to-mouth at siya ang tumatayo bilang breadwinner, e, teka lang muna, di ba? Para lang ‘yan mangingisda, wala nang mahuli dito lilipat ng lugar para doon siya mabuhay,” pagtatanggol pa ng batikang manunulat at online host sa dalagang mang-aawit.

Ang daming tagapakinig ng “Cristy Ferminute” ang nagbigay ng reaksyon kay Vice at isa-isang binasa ito ni CSF (inisyal ni Nay Cristy).

“Siyempre naman kailangan din ng pamilya ni Zephanie ang kumain, sana kung ikaw ang provider!  Puwede ba Vice huwag kang okray.  May mga tanong nga na ganyan kay Vice, eh. Bakit pag nagutom baa ng pamilya ni Zephanie ikaw ang magpapakain?” kuwento ni nanay Cristy.

“Oo maraming nag-comment ng ganyan.  Sinagot talaga siya (Vice) sa maraming comments kaya siguro naloka siya na ‘naku mali ang parinig ko,” natawang sabi naman ni Romel Chika.

“Itong si Vice madulas ang dila niyan sa pagsasalita ng ganyan pero kapag merong madulas ang dila na magsalita tungkol sa kanya (at) hindi niya nagustuhan pigsa ‘yan!  Malayo pa ang karayom pumuputok na ‘yan! ‘Yun ‘yun, sa totoo lang!” diin ni Nanay Cristy.

Dagdag pa, “Saka nu’ng nagsisimula si Vice (stand-up comedian) mayroong isang may-ari ng comedy bar na tumulong ng todo –todo di ba?

“Pero nu’ng nakilala na siya lumipat na siya sa mga ‘line-line (Laffline/Punchline) na ‘yan.  Iniwan na niya ‘yung nakatulong sa kanya nu’ng una.  Ngayon magsasalita ka ng paglipat-lipat? Tantanan mo kami, stop me, ‘wag ako!” sabi pa nito.

Sa artikulong lumabas dito sa BANDERA ay maraming netizens ang nagbigay din ng kanilang opinyon tungkol sa paglipat ni Zephanie na dapat inintindi ni Vice Ganda.

Mula kay @Josefina Lim, “Marahil advice ni Vice ‘yon sa lahat ng mga naghahangad ng stardom, kung saan sila nagsimula. Pero choice nila ang paglipat at meron sila personal na dahilan.”

Say naman ni @Ronna Fiestada, “I know Vice where coming from, the consideration ba And, naiintindihan ko din naman si Zephany kase do’n sa kabila binigyan siya ng proyekto samantalang no’ng asa ABS CBN pa di nila pinapansin.”

Tanong naman ni @Tobi Mari Tubino, “Meme Vice no project na binibigay sa kanya ano nga nga for life ba or ikaw na sagot sa foods ng family n’ya hehe practical lang si Zep.”

Sabi rin ni @Mhelai Baysic Murillo, “Dami mong reklamo bigyan mo ng trabaho c Zep.”

Pagtatanggol din ni @Mylene Lucero Dajotoy, “Wag Mong itulad sayo ‘yung Ibang artista Vice.  Kasi ikaw regular ang work samantalang sila tatawag- tawagan lang kung kailan pwedi.”

Opinyon naman ni @Edil Azodnem, “Pinabayaan kc ng ABS CBN kaya umalis ngayun namamayagpag s’ya sa ibang istasyon. Good job Zephanie.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Vice Ganda.

‘Walang masama kung lumipat man si Zephanie sa GMA, kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya’

Hugot ni Vice Ganda sa grand finals ng ‘Idol PH’ patutsada ba kay Zephanie Dimaranan?

Idol PH Zephanie Dimaranan binago ang look; umaming ‘crush’ sina Inigo at Darren

Idol PH champ Zephanie walang bonggang debut party pero nakatanggap ng b-day pasabog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending