'Winnie-the-poohPooh: Blood and Honey 2' brutal, madugo

‘Winnie-the-Pooh: Blood and Honey 2’ ni Scott Chambers brutal, madugo

Ervin Santiago - May 23, 2024 - 01:54 PM

'WinniePooh: Blood and Honey 2' ni Scott Chambers brutal, madugo

Isang eksena sa ‘WinniePooh: Blood and Honey 2’

NAKAKALOKA! As in grabehan naman pala talaga ang pelikulang “Winnie-the-Pooh: Blood and Honey 2”, ang sequel sa viral slasher hit movie noong 2023.

Napanood na namin ang inaabangang part 2 ng “Winnie-the-Pooh” sa ginanap na premiere night nito recently kung saan magpapatuloy ang kuwento ng mga nakakakilabot na pangyayari sa Hundred Acre Wood.

Limang buwan matapos ang mga patayan sa komunidad, si Christopher Robin (Scott Chambers) ay uuwi sa kanyang childhood town na Ashdown, at nahihirapan na bumalik sa normal niyang buhay.

Sumasailalim din siya sa therapy sessions para sa kanyang post-traumatic stress disorder.

Baka Bet Mo: Pagkamatay nina John Estrada at Lorna Tolentino sa ‘Ang Probinsyano’ masyadong brutal

Sa paghahanap ng search teams sa mga halimaw na sinasabi ni Christopher na kanyang nakalaban, marami ang naghihinala sa kanya. May mga naniniwalang siya ang nasa likod ng tinatawag nilang “Hundred Acre Massacre.”

Sa kanyang therapy sessions, isa pang trauma mula sa kanyang pagkabata ang uungkatin ni Christopher: ang pagdukot sa kanyang kakambal na si Billy noong 5th birthday party niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Scott Chambers (@scottchambers_)


Nagbabadya ang panganib dahil ang kanyang dating pinakamamahal na kaibigan na si Winnie-the-Pooh (Ryan Oliva) ay determinado siyang patayin at ang kanyang mga kaibigan para makapaghiganti.

Sa tulong nina Owl (Marcus Massey) at Tigger (Lewis Santer), pupunta si Winnie-the-Pooh sa Ashdown para maghasik ng lagim. Mapipilitan si Christopher na harapin ang kanyang nakaraan para mailigtas ang kanyang mga mahal sa buhay.

Sa isang rave party, hihikayatin ni Christopher ang mga halimaw pabalik sa gubat para sa isang madugong labanan at tuluyan nang tapusin ang lahat.

Ang pelikula ay follow-up sa 2023 independent movie na “Winnie-the-Pooh: Blood and Honey” na isang horror reimagining sa “Winnie-the-Pooh” books nina A.A. Milne at E.H. Shepard.

Baka Bet Mo: Coco, Vhong magsasanib-pwersa: Mas madugo, mas brutal, mas sagad!

Ang di inaasahang popularidad nito online ay naging daan para sa tagumpay nito sa sinehan. Kumita ito ng mahigit $5 milyon sa kabila ng maliit nitong production budget.

Nagbabalik si Rhys Frake-Waterfield bilang direktor ng sequel. Sina Chambers, Oliva, at Eddy Mackenzie ang gaganap na Christopher Robin, Pooh, at Piglet. Pinalitan nila ang dating cast members na sina Nikolai Leon, David Dowsett, at Chris Cordell.

Sa panayam sa Dread Central, sinabi ni Frake-Waterfield na para sa sequel, gusto niya “[to] ramp it up even more and go even crazier and go even more extreme.”

Bukod sa bagong cast members at mas nakakatakot na character designs, sinabi niya na ang bilang ng mga mamamatay sa pelikula ay hihigitan pa ang original.

Kasama rin sa sequel si Tigger na hindi nakita sa unang pelikula, habang si Owl ay ipapakilala bilang bagong karakter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Scott Chambers (@scottchambers_)


Ang “Winnie-the-Pooh: Blood and Honey 2” ay bahagi ng “Twisted Childhood Universe (TCU)” ng Jagged Edge Productions at ITN Studios, na ayon sa producers ay inspired mula sa Avengers-style film crossover ng Marvel Studios.

Ang iba pa nilang binubuo para sa TCU ay ang mga dati nang naiulat na “Bambi: The Reckoning,” “Peter Pan’s Neverland Nightmare,” at “Pinocchio Unstrung.”

“The movies we are working on now as standalones are all building towards Poohniverse: Monsters Assemble,” paliwanag ni Frake-Waterfield.

Kinumpirma rin ng direktor at producers na magkakaroon ng third installment ang “Winnie-the-Pooh.”

Habang inaabangan ang iba pang childhood characters na mag-transform bilang monsters, huwag palampasin ang brutal na kaguluhan at patayan sa “Winnie-the-Pooh: Blood and Honey 2” na showing na ngayon sa mga sinehan.

Pero warning lang sa lahat ng may problema sa puso at iba pang health condition, brutal at madugo ang pelikula. Mula simula hanggang ending ay hindi kayo patatahimikin ng mga killer sa movie.

Kaloka! Talagang walang katapusan ang sigawan at titian sa loob ng sinehan. Imagine, kahit wala pang nangyayari may bigla na lang titili nang bonggang-bongga na akala mo siya yung susunod na papatayin!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ah, basta, kung nagustuhan n’yo ang “Scream” at iba pang Hollywood slasher films, sure na sure kaming pak na pak sa inyo ang “Winnie-the-Pooh: Blood and Honey 2.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending