Bagong Miss Universe crown gawang Pinoy, bida ang South Sea Pearls ng Palawan
NAKAKA-PROUD talagang ang maging Pinoy!
Paano ba naman kasi, kahit sa Miss Universe ay gumagawa tayo ng kasaysayan na kung saan ang bagong korona nito ay gawa mismo sa ating bansa.
Ang “Lumière de l’Infini” o “Light of Infinity” crown ay isang obra ng mga Pilipinong manggagawa na pinalamutian ng bihirang South Sea Pearls mula sa karagatan ng Palawan.
Ang unveiling ng ika-13th na korona ng pageant ay ginanap sa Mexico noong November 14, oras sa Pilipinas.
Ang bagong headpiece ay gawa ng Jewelmer, ang luxury jewelry brand mula sa Pilipinas na kilala sa buong mundo.
Baka Bet Mo: Donny Pangilinan naghuhugas pa rin ng pinggan, nagluluto at naglilinis ng bahay kahit sikat na sikat na
Ginamit nila diyan ang “cultured south sea pearls” na kung saan ang golden hue nito ang “rarest in the world.”
Ang farming process ng mga perlas ay umaabot ng apat hanggang limang taon na may 377 steps upang ma-sustain ang pag-produce nito.
Ang nasabing brand ang gumawa ng “La Mer en Majeste” (Sea of Majesty) crown na ginagamit sa Miss Universe Philippines mula pa noong 2022.
Para sa kaalaman ng marami, ang Miss Universe ang may pinakamaraming disenyo ng korona sa anumang international pageant.
Ang sumunod diyan ay ang Miss World na kung saan ang huli nitong korona ay ibinandera noon pang 1972.
Dahil sa “Lumière de l’Infini,” tatlo sa apat na kasalukuyang korona ng major international pageants ay gawa sa Southeast Asia!
Bukod sa Miss Universe, ang Miss International at Miss Earth crowns ay parehong mula Vietnam at may mga perlas din.
Kung mapapansin niyo rin, iba-ibang korona ang isinuot ng mga Pinay Miss Universe winners.
Si Gloria Diaz ay may “Sarah Coventry” crown noong 1969, ang “Chandelier” crown naman ang isinuot kay Margie Moran noong 1973, Si Pia Wurtzbach ay may “DIC” crown noong 2015 na inspirasyon ng skyline ng New York City, at si Catriona Gray noong 2018 ay may “Mikimoto” crown na may “phoenix rising” design na binubuo ng 500 dyamante at 120 perlas na South Sea at Akoya.
Kanino kaya mapupunta ang bagong “Lumière de l’Infini” crown?
Alamin ang tatanghaling big winner sa coronation night ng Miss Universe competition sa Mexico sa darating na November 17, oras sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.