Priscilla Meirelles nagbabalak nga bang mag-join sa Miss Universe?

PHOTO: Instagram/@primeirelles
PARA sa veteran beauty queen na si Priscilla Meirelles, lumipas na ang kanyang panahon sa pagsali sa international beauty pageants.
Kamakailan lang, nakachikahan ng King of Talk na si Boy Abunda si Priscilla sa programang “Fast Talk” at diyan siya inusisa kung nais pa niyang lumaban sa Miss Universe competition.
Ang giit ng celebrity mom, dapat bigyan ng chance ang iba na magkaroon ng experience.
“It was kinda unfair. I had my time. You know, I’ve been there and done that,” sagot niya sa TV host.
Baka Bet Mo: Priscilla ‘married’ pa rin kay John, pero focus muna sa ‘self-love’
Paliwanag niya, “I joined nine pageants, I have nine crowns, three international. Unfortunately and fortunately, it was not Miss Universe.”
“But you know, I think I have my share of the cake…So I think it’s time for others,” wika pa ng beauty queen.
Kahit hindi na raw siya sasali ay game pa rin daw siyang tumulong sa ibang paraan.
“I would love to contribute in other ways. Maybe supporting others, you know, to have their chance also,” aniya.
View this post on Instagram
Magugunita noong Disyembre, si Priscilla at ang batikang aktres na si Teresa Loyzaga ay kinoronahang Noble Queen Worldwide sa coronation event ng Noble Queen of the Universe pageant.
Gaya ng nasabi ni Priscilla, hindi siya nakasali sa Miss Universe, pero nakuha naman niya ang mga korona at titulo ng Miss Globe noong 2003 at Miss Earth noong 2004.
Kung matatandaan, simula 2023 ay pinapayagan na ng Miss Universe Organization (MUO) ang mga “single mothers, pregnant, married, or divorced” na sumali sa naturang international pageant.
Samantala, ang ilan lamang sa mga batikang beauty queens na muling sasalang sa uMiss Universe Philippines (MUPH) this year ay sina Ahtisa Manalo (Quezon Province), Winwyn Marquez (Muntinlupa), Yllana Aduana (Siniloan, Laguna), Katrina Llegado (Taguig), Chelsea Fernandez (Sultan Kudarat), Chella Falconer (Cebu Province), Karen Nicole Piccio (Iloilo City), at Chanel Olive Thomas (Nueva Ecija).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.