Chito super proud sa pagtatapos ni Neri sa college: Ang galing lang...nagsisilbi ka nang inspirasyon ngayon sa mga kababaihan | Bandera

Chito super proud sa pagtatapos ni Neri sa college: Ang galing lang…nagsisilbi ka nang inspirasyon ngayon sa mga kababaihan

Ervin Santiago |July 03,2022
facebook
share this

Chito super proud sa pagtatapos ni Neri sa college: Ang galing lang…nagsisilbi ka nang inspirasyon ngayon sa mga kababaihan

Ervin Santiago - July 03, 2022 - 05:04 PM

Sinamahan ni Chito Miranda si Neri Miranda sa graduation nito kamakailan

Neri Naig at Chito Miranda

PROUD na proud siyempre ang OPM icon at singer-songwriter na si Chito Miranda sa bagong achievement ng kanyang asawang si Neri Naig-Miranda.

Kamakailan lamang ay masayang ibinandera ng actress-entrepreneur na finally ay naka-graduate na siya sa college sa kursong Business Administration sa University of Baguio.

“GRADUATE NA AKOOOOOO Natapos din!” ang mensahe ni Neri sa lahat ng kanyang Instagram followers kalakip ang kanyang graduation photos.

Kasunod nito, pinasalamatan niya nang bonggang-bongga ang kanyang asawang si Chito na naging katuwang niya para matupad ang pinapangarap na college diploma.

Aniya patungkol sa frontman ng bandang Parokya ni Edgar, “Masaya lang siya kahit nasa gilid lang at pinapalakpakan ako sa mga achievements ko.

“Mas magaan ang buhay kapag may nag eencourage sa’yo at naniniwala sa kakayanan mo. Thank you, asawa ko. Mahal na mahal kitaaa,” pahayag pa ni Neri.

Sa kanya namang IG account, nag-post din si Chito ng mensahe para sa pagtatapos ni misis with matching photo kasama ang wais na misis na nakatoga hawak ang nakuhang diploma.

Sabi ni Chito, “Congrats, Ms.Neri (heart emoji). Nu’ng nagde-date pa lang tayo, tinanong ako ng Kuya ko kung ano daw ang nagustuhan ko sayo (aside sa looks).

“Sabi ko, yung pinakanagustuhan ko sayo, was yung fact na you have this constant urge to improve yourself.

“Aral ka ng aral, basa ka ng basa, always trying to evolve into a better version of yourself, but at the same time, being content with who you are as a person.

“Ang galing lang eh,” papuri pa ng veteran singer at composer kay Neri.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


Pagpapatuloy pa niya, “Dati, may ngilan-ngilang natuwa at naaliw sayo dahil artista ka, at 6th placer ka sa PBB Star Circle Galaxy Quest, Dream Believe Repeat.

“Ngayon, nagsisilbi ka na bilang inspiration sa mga kababaihan…at hindi lamang sa mga kababaihan, kundi sa lahat ng nagnanais makamit, (at nag-aalinlangang i-pursue) yung mga dreams and goals nila sa buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Congrats again, Ms.Neri…I’m so proud of you, at madami pa sana akong nais sabihin pero antok na ko kasi 1:45am na at nakaka-inggit kasi ang sarap na ng tulog mo eh,” pahabol na mensahe ni Chito para sa kanyang misis na wais.

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God

Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending