Viy Cortez ido-donate ang 1 araw na kita sa mga biktima ni 'Paeng' mula sa mabebentang skincare at cosmetic products | Bandera

Viy Cortez ido-donate ang 1 araw na kita sa mga biktima ni ‘Paeng’ mula sa mabebentang skincare at cosmetic products

Ervin Santiago - October 30, 2022 - 05:10 PM

Viy Cortez ido-donate ang 1 araw na kita sa mga biktima ni 'Paeng' mula sa mabebentang skincare at cosmetic products

Cong TV at Viy Cortez

ISA ang vlogger-social media influencer at negosyanteng si Viy Cortez sa mga unang nagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong Paeng.

Ibinandera kahapon ng isa sa pinakasikat na YouTuber sa bansa ang gagawin niyang pamimigay ng ayuda at pagsasagawa ng relief mission sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Ayon kay Viy Cortez, ang lahat ng kinita niya kahapon, October 29, mula sa kanyang skincare at cosmetic products ay ibibigay niya sa mga kababayan nating nasalanta ni Paeng.

At bukod pa nga rito, magbibigay din siya ng donation mula sa sarili niyang bulsag para mas marami pa silang maabutan ng tulong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Viycortez (@viycortez)


“Lahat po ng kikitain ng VIYLine Skincare at VIYLine Cosmetics ngayong araw ay idodonate ko po sa mga nasalanta, bukod pa sa ibibigay ko galing sa sarili kong bulsa,” pahayag ni Viy.

Sa pamamagitan naman ng kanyang Facebook account, nakikipag-ugnayan siya sa mga residente mula sa mga lugar na sinalanta ng bagyo na nais magpasaklolo.

“Sino po ang puwede ko marentahan na pick-up truck malapit po sa area nila Sir JayR. Para po maka-rescue po sila sa san pedro pls comment po,” ang sabi ni Viy matapos daw makatanggap ng private message o PM mula sa isang taong nais magpa-rescue.

Sabi pa ng vlogger, magpo-post siya sa social media kung saan-saang lugar sila magbibigay ng tulong at kung magkano ang kanilang ido-donate.

“Update ko po kayo kung magkano at kanino po namin ibibigay po ang mapagbebentahan po ngayong araw,” pahayag ni Viy.

Kikitain ng Mother’s Day vlog ni Ivana ido-donate sa mga single mom

Viy Cortez, Cong TV magpapatayo na ng sariling bahay: Tuparin pa natin ang mga pangarap natin nang magkasama

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Carla nakiusap na huwag basta iwan ang mga alagang hayop kapag may kalamidad: Give them the best chance of survival

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending