Carla nakiusap na huwag basta iwan ang mga alagang hayop kapag may kalamidad: Give them the best chance of survival
GRABE ang pinsalang idinulot ng bagyong Paeng sa iba’t ibang bahagi ng bansa nitong mga nagdaang araw, kabilang na riyan ang National Capital Region.
Bukod sa mga nawasak na bahay dahil sa landslide at matinding hangin at ulan na dala ni Paeng, nagkaroon din ng malawakang pagbaha hindi lamang sa mga probinsya kundi maging sa Metro Manila.
At sa gitna nga ng malakas na pagbuhos ng ulan at mga pagbaha, inalala naman ng Kapuso actress at TV host na si Carla Abellana ang mga alagang hayop ng mga residenteng naapektuhan ng bagyo.
Ayon kay Carla na kilala ring animal welfare advocate, sana raw ay isipin din ng mga pet owners ang kalagayan ng kanilang mga alagang hayop kapag may mga bagyo.
“Give them the best chance of survival,” ang mensaheng kalakip ng litrato ng mga asong ipinost ng aktres sa kanyang social media account.
View this post on Instagram
Nagbahagi ang Kapuso star ng ilang paalala sa mga pet owners pagdating ng emergency, tulad ng bagyo at pagbaha. Unang-una raw ay huwag na huwag pabayaan ang mga alagang hayop kapag nag-e-evacuate na sa mga bahay.
“Please do not leave your pets behind and always include them in your evacuation plans.
“One of the most heartbreaking scenarios in an emergency or natural disaster is always pets getting left behind.
“Some are not even given the chance to at least escape and find a safe place,” sabi ni Carla.
Nakiusap din siya sa publiko na kapag may mga nakitang hayop na basang-basa na sa ulan ay bigyan muna sila ng pagkain at pansamantalang tirahan.
“Please do open up your homes and establishments to strays when you can. It’s times like this that they need us the most,” mensahe ng aktres.
Marami namang humanga kay Carla dahil sa ipinakikita niyang concern sa mga hayop at sana raw ay marami pang tumulad sa Kapuso star sa pagiging mapagmahal sa mga hayop.
Dasal ni Carla: Dear Lord, sana mawala na po ang sabong ng anumang hayop
Pacquiao sa isyu ng LGBTQ: Masisipag at magagaling silang mag-isip, hindi ko sila kino-condemn
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.