Dasal ni Carla: Dear Lord, sana mawala na po ang sabong ng anumang hayop | Bandera

Dasal ni Carla: Dear Lord, sana mawala na po ang sabong ng anumang hayop

Therese Arceo - April 28, 2022 - 07:27 PM

Dasal ni Carla: Dear Lord, sana mawala na po ang sabong ng anumang hayop

CARLA ABELLANA

MUKHANG apektado ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa paglala ng e-sabong sa bansa dahil maraming mga hayop ang tila nagkakasakitan kapalit ang entertainment ng mga tao.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi niya ang larawan ang balita ukol sa pagkakalulong ng mga Pilipino sa e-sabong.

Base sa balita mula sa “24 Oras” ay maaari na raw ipa-ban ang mga kaanak na nalulong na sa pagsusugal sa mga lugar na nire-regulate ng Philippine Association and Gaming Corporation o PAGCOR.

Saad naman ni Carla, sana raw ay mawala na ang mga sabong hindi lang sa mga manok kundi pati na rin sa iba pang mga hayop.

Dagdag pa niya, malabo raw kasi na itigil ito ng mga tao kaya hinihiling niya na sana ang Diyos na ang gumawa ng paraan para matapos na ito.

“Dear Lord, sana mawala na po ang sabong ng anumang hayop. Malabo pong mangyaring tao po ang gagawa ng malaking pagbabagong ito, kaya sana po ay kayo na po ang gumawa ng paraan,” sey ni Carla sa kanyang IG story.

Hindi naman kataka-taka na humiling ng ganito ang aktres dahil noon pa man ay kilala na siya bilang advocate ng animal welfare.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Base sa kanyang interview noong nakaraang taon, hindi lang dahil sa isa siyang artista kaya ina-advocate niya ang pangangalaga sa mga hayop kundi talagang passionate siya sa bagay na ito.

“I grew up talaga being an animal lover. Nadala ko lang ‘yun and nagkataon lang, bonus na lang siya actually that in the time of social media, may ganitong platform, like Instagram, YouTube, Facebook para we get to use our voices,” pagbabahagi ni Carla.

Dagdag pa niya, “Nakapanghihinayang kasi, sobrang sayang din na hindi natin magamit ‘yung voices natin, the opportunity to be heard even in other countries.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Gretchen handang ilantad ang ebidensya laban kay Bato tungkol sa e-sabong; senador rumesbak

Carla Abellana dinenay na P2-M na lang ang ibinebentang condo unit: Hindi po ako click-baiter

Janella hilig talaga ang mag-alaga ng hayop: Lagi ko iniisip na baka masagasaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending