Janella hilig talaga ang mag-alaga ng hayop: Lagi ko iniisip na baka masagasaan | Bandera

Janella hilig talaga ang mag-alaga ng hayop: Lagi ko iniisip na baka masagasaan

Reggee Bonoan |February 04,2022
facebook
share this

Janella hilig talaga ang mag-alaga ng hayop: Lagi ko iniisip na baka masagasaan

Reggee Bonoan - February 04, 2022 - 06:04 PM

Janella hilig talaga ang mag-alaga ng hayop: Lagi ko iniisip na baka masagasaan

MAY kasabihan na ‘kapag mapagmahal at maawain ka sa hayop ay mabuti kang tao’ na halos lahat din ng nakikilala naming mahilig mag-alaga ng iba’t ibang uri ay may mabuting kalooban. At isa si Janella Salvador sa kanila dahil bukod sa alaga niyang dalawang ahas na binili niya noong nalaman niyang nakuha niya ang role na Valentina sa TV version ng Valentina na pagbibidahan ni Jane de Leon.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Janella para sa YouTube channel nito ay nalaman ng mga nakapanood ng vlog na mahilig mag-uwi ang aktres ng stray cats kaya lukang-luka ang nanay niyang si Jenine Desiderio dahil hindi naman din ito naalagaan ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)

Kaya natanong ni Ogie ang aktres, ‘bakit may ganu’n puso si Janella sa mga pusa na nakikita mo sa kalye?”

Alaalang kuwento ni Janella, “Sa ‘Born For You’ may pinulot akong isa, naalala ko ‘yun at pinangalanan ko siyang Eye mo kasi bulag siya (natawa si ogie). Kailangan niya ng eye mo kaya pinulot ko siya. Actually, recently, Eye mo passed away, pero tumagal din siya sa akin,” kuwento nito.

Natatawa pang sabi ni Ogie na sinasabi raw ng mommy ni Janella na dampot nang dampot ng pets ang anak kaya nag-tweet ito sa kanyang Twiter account at sino raw ang mag-aalaga ng mga pusang dinampot nito.

“Sa kanya ko rin naman ‘yun nakuha,” katwiran ng girlfriend ni Marcus.

Dagdag pa, “dati kasi nu’ng nakatira pa ako sa bahay niya, ‘yun ‘yung time ng ‘Born for You’ mahilig talaga ako kasi naawa ako. Kapag nakikita ko sila sa street tapos wala ng mama lagi ko iniisip na baka masagasaan ganu’n, so gusto ko silang alagaan talaga.

“’Yun lang teenager ako no’n, so ‘yung responsibility part, medyo wala pa sa akin ‘yun. So, pulot ako nang pulot tapos sila (pamilya) ‘yung maga-aalaga, ‘yung yaya namin ganu’n. Nakuha ko ‘yung love ko for animals, sa mom ko rin pero I think what made her tweet that was may nagregalo kasi sa amin ng aso, e, ang dami na naming pets noon.

“So, sabi niya (Janine), ‘ano ba yan?’ E, aso ‘yun. Pusa ‘yung mga nasa loob ng house namin kaya sabi ko it will live in my room na lang kasi nga baka awayin ng pusa or awayin niya ‘yung mga pusa ganu’n. Kaya nagalit siya, sabi niya, ‘bigay ng bigay (ako) ng mga hayop hindi ko naman kayang alagaan.

“Pero nainis nga ako no’n kasi love ko naman talaga ‘yung mga hayop. Pero wala akong masabi no’n kasi hindi ko naman talaga sila naalagaan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa kasalukuyan ay walang binanggit si Janella bukod sa dalawang ahas kung may alaga rin siyang fur baby.

 

Related Chika:
#Jojowain: Si Ivana Alawi na nga ba ang nagpapasaya ngayon kay Joshua Garcia?
Korina Sanchez libu-libong hayop na ang na-rescue: I didn’t like dogs until I met Kolette 10 years ago…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending