Kathryn feel na feel ang pagiging fur mommy, may pa-tribute kay Cloud: 'Thank you for being the best 'kuya' that you are' | Bandera

Kathryn feel na feel ang pagiging fur mommy, may pa-tribute kay Cloud: ‘Thank you for being the best ‘kuya’ that you are’

Ervin Santiago |August 04,2022
facebook
share this

Kathryn feel na feel ang pagiging fur mommy, may pa-tribute kay Cloud: ‘Thank you for being the best ‘kuya’ that you are’

Ervin Santiago - August 04, 2022 - 09:54 AM

Kathryn Bernardo at Cloud

MULING ibinandera sa buong universe ng award-winning Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang pagmamahal niya sa mga hayop.

Binigyan kasi niya ng nakaka-touch na pa-tribute ang isa sa kanyang pinakamamahal na pet dogs — ang Golden Retriever na si Cloud.

Kuwento ni Kath, dumating sa buhay niya si Cloud noong 17 years old pa lamang siya at mula noon talagang naging bahagi na ito ng kanilang pamilya at kasama sa hirap at sa ginhawa.

Sa isang Instagram post ng girlfriend ni Daniel Padilla, ibinahagi niya ang ilang litrato kasama si Cloud kabilang na ang mga throwback photos nila ng aso.

Aniya sa caption, “Back in 2013, I wished for a Golden Retriever pup. He sent me an angel named Cloud.’

“Fast forward to 2022, here he is, an 8-year-old gentle giant. He’s the most patient, most gentle, most loving, and kindest kuya to his 7 four-legged siblings,” mensahe ng Kapamilya star.

“Now, he has two-legged cousins to protect and watch over,” sey pa ng dalaga na ang tinutukoy ay ang mga pamangkin niyang sina Lhexine at Qyona.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“I can’t wait to make more memories with you, Clouder! Thank you for being the best ‘kuya’ that you are. Love, Mom,” pahayag pa ni Kath sa kanyang open letter.

Isa ang aktres sa mga celebrities na nag-aalaga ng maraming aso. Bukod kay Cloud, nandiyan din si Tala, isang Samoyed; at si Snow na isang Bichon Frise na iniregalo sa kanya ni Daniel.

In fairness, ginawan pa talaga ni Kathryn ng sariling Instagram account ang kanyang mga alagang hayop kung saan niya ibinabahagi ang mga  kaganapan sa buhay ng pito niyang pet dogs.

Janella hilig talaga ang mag-alaga ng hayop: Lagi ko iniisip na baka masagasaan

Janine gustong maging katulad ni Ate Guy: Yung kahit wala kang dialogue, ang lakas ng dating mo!

Dasal ni Carla: Dear Lord, sana mawala na po ang sabong ng anumang hayop

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending