Kikitain ng Mother's Day vlog ni Ivana ido-donate sa mga single mom | Bandera

Kikitain ng Mother’s Day vlog ni Ivana ido-donate sa mga single mom

Ervin Santiago - May 12, 2021 - 05:10 PM

NANGAKO ang Kapamilya sexy actress at vlogger na si Ivana Alawi na ang susunod naman niyang tutulungan ay ang mga single mom.

Sa Mother’s Day vlog ng dalaga, sinabi niya na ang lahat ng kikitain ng nasabing video mula sa YouTube ay ido-donate niya sa mga nanay na mag-isang pinalalaki ang mga anak.

Mapapanood sa latest vlog ng aktres ang sorpresang inihanda nilang magkakapatid para sa kanilang nanay na si Fatima Marbella bilang bahagi ng kanilang Mother’s Day celebration.

Bago ang kanilang picnic-style lunch, inayusan muna ni Ivana ang ina kasunod ang pagbibigay nila rito ng bulaklak. Siyempre, tuwang-tuwa naman si Mama Alawi sa regalo sa kanya ng mga anak.

“Today, we must make you feel special and loved, and give you back kahit konting pagmamahal na ibinibigay niyo sa aming mga anak mo.

“At single mother siya and pinalaki niya kaming apat na magkakapatid,” pahayag ni Ivana sa isang bahagi ng vlog.

At bago nga matapos ang nasabing YouTube video, in-announce ng dalaga na ang lahat ng kikitain ng kanyang Mother’s Day vlog ay ibibigay niya sa mga single mothers.

“So, napagkasunduan namin ni Mama na ‘yung kita nitong video na ‘to is ido-donate namin sa charity. Maghahanap kami ng mga charity na mga single moms katulad ng aming Mama,” sey ng sexy vlogger.

Tinanong naman niya ang kanyang Mama Alawi kung aprubado ba ang naging desisyon niya, nag-thumbs muna ang ina sabay sabing, “Very, very, very happy.”

“So please guys, don’t skip the ads kasi may mga iba kayong matutulungan. Ang mga tulong din is galing sa inyo, and we want to say thank you for supporting us,” pakiusap pa ni Ivana sa kanyang subscribers.

In fairness, marami nang natutulungan si Ivana sa kanyang pagba-vlog dahil talagang sine-share niya ang mga kinikita niya sa YouTube sa mga taong nangangailangan.

Ilang beses na siyang nag-ikot sa lansangan para abutan ng pera ang mga taong nasa kalye at mga walang permanenteng tirahan, kabilang na riyan ang mga street vendor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May isa rin siyang vlog na dedicated sa mga delivery rider. Dito nag-order siya ng kung anu-ano at lahat ng nag-deliver sa kanilang bahay ay binigyan niya ng “cash prize” at helmet.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending