Cong TV, Viy Cortez umabot ng 8-digits ang gastos sa kasal?

Cong TV, Viy Cortez umabot ng 8-digits ang gastos sa kasal?

Therese Arceo - June 21, 2024 - 05:13 PM

Cong TV, Viy Cortez umabot ng 8-digits ang gastos sa kasal?

TALAGA namang masasabing “wedding of the year” ang naganap na kasal ng social media influencers na sina Cong TV at Viy Cortez matapos i-spluk ng isang event organizer na umabot ng 8-digits ang naging gastos ng dalawa sa kanilang wedding.

Ang rebelasyong ito ay isiniwalat ng isang event planner na si Princess Anne Ramos sa kanyang Instagram story.

Kuwento nito, sobrang bait raw ng mag-asawang Cong at Viy.

“They asked for the suppliers’ lineup to tag us and thank everyone, even though they already thanked us many times before,” pagbabahagi ng event planner.

Baka Bet Mo: Cong TV naiyak sa kasal, Viy Cortez dapat bang kabahan?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kalakip ng kanyang pagpuri sa bagong mag-asawa ang screenshot kung saan labis ang pasasalamat ni Viy sa lahat ng mga suppliers na naging abala sa kanilang kasal.

“Maraming salamat sa lahat ng dumalo at sa mga Viviys at Paa na nakasubaybay sa buong paglalakbay ng relasyon namin Viy.

“Ang pangarap naming kasal ay hindi rin magiging posible kundi dahil sa mga ito kaya maraming salamat po sa lahat ng bumuo nito!” sabi naman ni Cong sa kanyang IG carousel.

Sinabi pa ni Princess na umabot nga sa 8-digits ang naging gastos ng dalawa sa kanilang kasal.

“They [Cong at Viy] spent 8 digits on their wedding—yes, you read that right! Yet they still wanted to acknowledge everyone who worked on their wedding, even though some might think we’re [X-deals]. The couple insisted on tagging us all!” sey pa ng event planner.

Super grateful nga raw ng mga suppliers una pa lang nang magtiwala sa kanila ang mga kilalang personalidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“God bless your marriage and your beautiful family!” mensahe pa nito para kina Cong at Viy.

Matatandaang nitong Lunes, June 17 nang ikasal ang dalawa sa sa L’Annunziata Parish sa Muntinlupa City.

Bago ang kanilang kasal ay na-bless na sila ng anak na lalaki na kilala sa tawag na “Kidlat”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending