Judy Ann Santos tinuruang mag-commute si Yohan: Jeep ride para sa aming kolehiyala
FULL support ang batikang aktres na si Judy Ann Santos sa panganay nitong anak na si Yohan na ngayon ay ganap nang college student.
At bago magsimula ang pasukan ay naisip ng aktres na turuan ang kanyang anak kung paano nga ba mag-commute o gumamit ng pampublikong transportasyon papunta sa kanyang paaralan at pauwi sa kanilang bahay.
Ilan sa mga itinuro ni Juday ay kung paano sumakay ng jeep at bus.
Ang cute na bonding ng mag-ina ay mapapanood sa Instagram stories ng batikang aktres.
“E-jeep kami! Woohoo! Yes, kailangan niyang malaman kung ano ang ruta nitong jeep na sinasakyan namin to go around school,” pagbabahagi ni Juday sa video.
Dagdag pa nito, “So yes, naka-jeep kaming mag-ina. Woohoo!”
Sa sumunod na IG story ni Juday ay makikitang nakasakay naman silang mag-ina sa bus pauwi sa kanilang tahanan.
“Next in line..bus transpo. Bakit? Dapat alam lahat ng klaseng transportasyon pauwi at papunta..tapos jujitsu training,” sey pa ng aktres sa caption ng kanyang IG post.
Matatandaang noong June 2023 nang ibandera nina Juday at Ryan kung gaano sila ka-proud sa anak na nagtapos na sa fh school.
“My dearest buding, we are so so proud of you.. your hard work and perseverance all throughout your HS life paid off and more,” mensahe ng aktres sa anak.
Pagpapatuloy pa ni Juday, “[A]s you enter another chapter in your life as a college student, a lot will change.. there will be a lot of ups and downs.. but all these will make you a better and responsible person.”
Related Chika:
Juday nagsalita na tungkol sa naging tunay na relasyon nila ni Rico Yan: Bargas na tao rin at napakatotoo
Juday, Gladys muling nagkita after 5 years, game na game na nag-TikTok sa birthday party ni Luna
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.