Jelai Andres kumonsulta sa 'healer' para isalba ang relasyon kay King Badger: Pero parang nabudol ako | Bandera

Jelai Andres kumonsulta sa ‘healer’ para isalba ang relasyon kay King Badger: Pero parang nabudol ako

Ervin Santiago |November 28,2021
facebook
share this

Jelai Andres kumonsulta sa ‘healer’ para isalba ang relasyon kay King Badger: Pero parang nabudol ako

Ervin Santiago - November 28, 2021 - 08:04 AM

Jelai Andres at Jon Gutierrez

FEELING ng Kapuso comedienne at vlogger na si Jelai Andres “nabudol” lang siya nang humingi ng tulong sa isang “manggagamot” para isalba ang relasyon nila ng rapper-actor na si Jon Gutierrez.

Naikuwento ng komedyana ang naging karanasan niya noong naging desperada na siya kung paano maaayos ang married life nila ni Jon na mas kilala bilang King Badger ng Ex Battalion.

Sa isang vlog ni Alex Gonzaga sa YouTube, natanong si Jelai kung ano ang “pinakatanga” na ginawa niya para sa pag-ibig. Hindi man niya binanggit ang pangalan ni Jon, pero obvious namang ang kontrobersyal na hiwalayan nila ng rapper ang  kanyang tinutukoy.

“Hindi ito yung pinakatanga. Isa lang ito. Meron akong isang artistang friend, nung nangyayari na yung mga ganyan-ganyan, na di maganda sa love life ko.

“Sabi niya, ‘Ipadasal mo.’ Pumunta kami sa matanda. Parang manggaggamot. Pumunta kami sa probinsya. Matanda siya tapos sabay kayong magdarasal,” simulang pag-alala ng komedyana.

May pagkakataon pa nga raw na mismong ang “healer” ang tumatawag sa kanya para dasalan ang relasyon nila ni Jon, “Like, tatawagan ka niya ng alas-tres (ng madaling-araw). Para raw bumait. Sabay lang kayo magdarasal.

“Pero di yun masama, ha! Di yun kulam. Pero parang pag inisip mo, parang nabudol lang ako kasi nanghingi lang ng pera,” chika pa ng aktres at vlogger.

“At least, nagdasal ka. Yun nga lang…” ang hirit naman ni Alex na hindi na natapos ang sasabihin dahil biglang sumingit si Jelai, “May kasabay ka lang daw para mas strong (ang dasal). 

“Kasi parang feeling niya, siyempre yung mga ganun, may powers sila, di ba? Na para mas malakas. Yung manggagamot na yun, nagdadasal. Sabi ko, ‘Ang galing talaga pag madami kayo nagdadasal,'” pahayag pa ni Jelai.

Tuluyan na rin daw siyang sumuko nang mas lumala pa ang sitwasyon, “Tapos hindi na ako sumasabay kasi hindi na, e. Na-depress na ako. Nung una, parang umo-okay. Tapos tumawag sa akin, ‘Bakit, ‘nak, di ka na sumasagot?’ Umiiyak na ako.

“Tapos sabi niya, ‘(nagmura), pakulong mo na lang ‘yan!’ Pati siya sumuko na rin!” natatawang sabi ng komedyana.

Sey naman ni Alex, “Sumuko yung nagdadasal, at siya pa yung nagmura! Pero natuto ka na?”

“Oo. Kaya yun isinagot ko nu’ng tinanong mo ako na isa sa pinakatanga, yun kasi yung ginawa ko. Bakit ko ginawa yun?” tugon ni Jelai.

Sa tanong kung ano na ang lagay ng puso niya ngayon, “Basta okay ako ngayon. Happy ako compared sa mga nakaraang taon.”

“Pero ngayon maganda nga yung posisyon mo sa buhay o dahil naka-shades ka lang?” hirit uli ni Alex.

Sagot ni Jelai, “Gumising lang ako ng umaga na, ‘Ay, okay na ako.’ Wala akong nararamdaman. Di ako bitter. Di ako nasasaktan.

“Ang dami ko pinagsisisihan na mga past na ginawa ko, pero kasama yun sa pagtanda. I’m stronger now!” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Jelai Andres (@jelaiandresofficial)


Huling tanong ni Alex kung nagpapaligaw na ba siya uli, “Hindi, Ate. Hindi ako nagpapaligaw. Eme! Ha-hahaha!” 

Sundot niyang tanong, “Pero masaya ka! Okay lang naman yun kasi single ka naman. Yung ano mo nga nanliligaw kahit kayo pa!”

Ikinasal sina Jelai at Jon noong October, 2018 at unang nagkahiwalay noong April, 2019 dahil umano sa pambababae ng singer. Nagkabalikan sila nang magkasama sa lock-in taping ng Kapuso series na “Owe My Love” na umere noong February.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit pagsapit ng March, 2021 muling nahuli ni Jelai si Jon na may bagong lover. Dahil dito, sinampahan niya ng kasong concubinage si Jon sa Department of Justice noong June 1, 2021.

Jelai Andres: May karapatan talaga ang asawa na magalit sa mga kabit

Jelai Andres binatikos ng netizens sa pagkamatay ng lola; Jon to the rescue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending