Gerald 'reynang-reyna' ang turing kay Julia; marami nang isinakripisyo dahil sa pag-ibig | Bandera

Gerald ‘reynang-reyna’ ang turing kay Julia; marami nang isinakripisyo dahil sa pag-ibig

Ervin Santiago |April 09,2021
facebook
share this

Gerald ‘reynang-reyna’ ang turing kay Julia; marami nang isinakripisyo dahil sa pag-ibig

Ervin Santiago - April 09, 2021 - 11:07 AM

ISANG buwan makalipas ang pag-amin nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa kanilang relasyon, muling ibinandera ng magdyowa sa buong universe ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Nagpalitan ng sweet message ang celebrity couple sa social media na pinusuan ng kanilang mga tagasuporta at ilang kaibigan sa showbiz.

Sa kanyang Instagram, nagbahagi si Julia ng litrato nila ng Kapamilya hunk actor na magka-holding hands habang nasa beach with sunset background.

“My ride or die,” ang maikling caption ng dalaga sa litrato. Nagkomento naman si Gerald sa IG post ng girlfriend ng, “My (queen emoji),” na sinundan pa ng red heart emoji.

Ayon sa ilang netizens, halatang-halata raw na super in love si Julia kay Gerald dahil siya ang palaging nagpo-post ng litrato nila sa social media at comment lang daw nang comment ang hunk actor.

Samantala, sa April 19 na mapapanood ang bagong serye ni Gerald sa ABS-CBN, ang “Init Sa Magdamag” kung saan gaganap siya bilang si Christoper “Tupe” Salcedo, isang community doctor na mai-in love sa karakter ni Yam Concepcion.

“Siguro kasi galing ako sa ‘A Soldier’s Heart’ so nu’ng binasa ko yung pilot week, ito yung unang script namin, na-excite ako kasi yung mga challenges na hinaharap ni Tupe never ko pa siya na-tackle bilang actor.

“Yung sacrifices na willing siyang gawin para sa pag-ibig, parang personally na-attract ako du’n. Kasi grabe yung adjustment niya sa buhay niya, grabe yung nasakripisyo niya sa buhay niya para sa great love niya na si Rita yung character ni Yam,” pahayag ng binata sa nakaraang presscon ng “Init Sa Magdamag.”

Tulad ng role niya sa serye, inamin din ng aktor na marami rin siyang ginawang pagsasakripisyo sa ngala ng pagmamahal.

“Marami akong nasakripisyo din dahil sa pag-ibig. Kaya ako na-attract kay Tupe agad kasi he’s very selfless. Isa siyang community doctor sa bundok.

“Yung passion niya para tumulong sa iba na mas nangangailangan ng tulong is also one trait na doon ako na-attract sa kanya. At kung paano siya magmahal.

“Hindi siya yung tao na kailangan isigaw sa buong mundo yung pagmamahal niya sa relationship. Kumbaga alam niya ang gusto niya at gagawin niya ang lahat para sa mga taong malapit sa kanya, yung mga mahal niya sa bahay. So siguro doon ako nakaka-relate sa kanya,” lahad ni Gerald.

Diing pahayag pa ng binata, kahit na may problema o issue sa personal niyang buhay, hindi niya ito hinahayaang makaapekto sa kanyang trabaho.

“Magaling ako maghiwalay ng personal life ko sa ginagawa ko sa set. Kung ano man yung pinagdadaanan ko, kunwari nasa gitna ako ng controversy or wala, kung nasa isang sitwasyon ako sa buhay ko na masaya ako, hindi naaapektuhan yung trabaho ko sa set and kung ano man yung status ng puso ko sa nagtatrabaho ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hiwalay siya sa ginagawa ko pero du’n ko kinukuha yung motivation ko sa character ko,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending