Kylie sa 'craziest thing' na ginawa sa pag-ibig: I got married, tinawag na 'babe' si Andrea Bandera

Kylie sa ‘craziest thing’ na ginawa sa pag-ibig: I got married, tinawag na ‘babe’ si Andrea

Therese Arceo |October 13,2021
share this

Kylie sa ‘craziest thing’ na ginawa sa pag-ibig: I got married, tinawag na ‘babe’ si Andrea

Therese Arceo October 13, 2021 - 07:58 PM

NAGLARO ng “Love Shot” game sina Kylie Padilla at Andrea Torres sa kanilang media interview para sa kanilang palabas na “BetCin”.

Game na game na sinagot ng aktres na si Kylie Padilla ang tanong kung ano ang craziest thing na ginawa niya sa ngalan ng pag-ibig.

“I got married,” sagot ni Kylie.

Kinasal si Kylie sa Kapuso actor na si Aljur Abrenica noong Disyembre 2018 at nagkaroon na sila ng dalawang anak na sina Alas at Axl.

Hulyo 2021 naman nang kumpirmahin ng ama ng aktres na si Robin Padilla na hiwalay na nga ang dalawa bagama’t kasal pa rin ang mga ito base sa mga dokumento.

Inamin naman ni Kylie kamakailan na napag-usapan na nila ni Aljur na maging masaya kasabay ng kanilang paghihiwalay at walang problema kung magkaroon na sila ng kani-kanilang bagong karelasyon.

Samantala, mukhang close na close na talaga sina Kyliw at Andrea matapos magsama sa series na “BetCin”.

“Good job babe,” comment ni Kylie sa boomerang video na in-upload ni Andrea sa Instagram matapos ang kanilang press conference.

“This is it!!! Congratulations Babe! You know how much you mean to me! Can’t wait to be reunited! *big big virtual hug* for now,” reply naman ni Andrea.

Umabot naman sa 117 ang likes ng naturang comment ni Kylie.

Matatandaan na kamakailan rin nang mag-trending ang dalawa matapos ibahagi ni Kylie ang screenshot ng emosyonal na pag-uusap nila ni Andrea.

Tila ba nakaka-relate ang dalawa na parehas na nanggaling sa pakikipaghiwalay sa kanilang mga dating partner.

Ang “BetCin”, isang GL (Girls Love) series, ang unang proyektong pinagsamahan at pinagbidahan ng dalawang aktres kung saan naging close agad sila.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending