Raffy Tulfo pinagalitan ang anak sa pagdaan sa busway

Raffy Tulfo pinagalitan ang anak sa pagdaan sa busway

Therese Arceo - January 29, 2025 - 06:15 PM

Raffy Tulfo pinagalitan ang anak sa pagdaan sa busway

PINAGSABIHAN ni Sen. Raffy Tulfo ang kanyang anak na si Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo matapos ang ginawa nitong pagdaan sa EDSA busway noong January 23.

Sa naging ambush interview sa kanya ay inamin niyang napagalitan na niya ang anak na isa ring politician.

“Pinagalitan ko at nag-sorry siya sa akin. Ang sabi ko, ‘Mag-apologize ka sa lahat.’ And that’s it,” saad ni Sen. Raffy Tulfo.

Dagdag pa niya, “Ang pagkakaalam ko nagmamadali siya, ‘yong driver niya yata ang pumasok doon sa bus stop. At pinagalitan ko siya, pinagsabihan ko.”

Baka Bet Mo: Raffy Tulfo sinabing kaanak ng senador ang sakay ng SUV na dumaan sa busway

Lahad pa ni Sen. Raffy, inakin naman ng anak niya ang kanyang pagkakamali.

“Inadmit naman niya. Hindi naman siya nagsinungaling at nag-apologize siya. So wala akong nakikitang problema doon as long as hindi siya tumakas, hindi siya gumamit ng plakang otso, which karapatan niyang gumamit.

“Pero hindi siya gumamit. It just shows na hindi siya abusado,” dagdag pa ni Sen. Raffy.

Naglabas rin ng public apology ang kanyang anak matapos ang maling ginawa.

“Lubos po akong humihingi ng paumanhin sa publiko, lalo na sa mga naapektuhan at naabala ng insidente kamakailan kaugnay sa pagdaan ng aking sasakyan sa EDSA bus lane,” ayon sa Facebook post ni Sen. Raffy.

Pagpapatuloy pa niya, “Nabayaran na po ang mga kaukulang multa at sasailalim sa kinakailangang seminar upang higit na maunawaan at maipaalala ang umiiral na batas trapiko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nangako naman ang anak ni Sen. Raffy na hindi na uulitin ang nangyari.

“Nangangako po akong gagawin ko ang lahat ng hakbang upang maiwasan ang ganitong uri ng pagkakamali sa hinaharap.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending