TV5 program manager na nanghalay daw sa male researcher tsugi

Program manager ng TV5 na nanghalay daw sa male researcher tanggal na

Ervin Santiago - August 21, 2024 - 11:15 AM

Program manager ng TV5 na nanghalay daw sa male researcher tsugi na

Manny Pangilinan at Raffy Tulfo

Trigger Warning: Mention of sexual abuse

KINUMPIRMA ni Sen. Raffy Tulfo na tinanggal na sa TV5 ang News and Public Affairs program manager na si Cliff Gingco matapos ireklamo ng sexual abuse.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Kapatid Network, may sapat na ebidensyang nakalap hinggil sa reklamo ng pang-aabuso ng isang male news researcher laban kay Gingco.

Ayon kay Sen. Tulfo, personal na nakipag-ugnayan sa kanya si TV5 Chairman Manuel V. Pangilinan para ibalitang may resolusyon na ang imbestigasyon tungkol sa umano’y pangmomolestiya ni Gingco sa baguhang researcher.

Baka Bet Mo: Ronaldo Valdez may tama ng bala; mga kasama sa bahay nag-paraffin test

Sa programa kasi ni Tulfo sa TV5, nagsumbong at humingi ng tulong ang naturang male researcher. Dito, isinalaysay ng lalaki ang ginawa sa kanya ni Gingco.

Aniya, nangyari ang insidente sa isang hotel sa Pasig City noong July 23, 2024. Five days pa lang daw siyang nagre-report sa News and Public Affairs ng TV5 nang maganap ang panghahalay na nagdulot umano sa kanya ng matinding trauma.

Sa official statement na inilabas ng senador sa pamamagitan ng kanyang official Facebook page, sinabi ngang tsinugi na sa kanyang pwesto ang TV executive.

Bukod dito, pormal na ring nagsampa ng kasong kriminal sa piskalya ang kampo ng biktima laban kay Gingco.

Narito ang buong pahayag ng kampo ni Sen. Tulfo na naka-post sa Facebook page ng “Raffy Tulfo in Action”.


“Personal na nakipag-ugnayan si TV5 Chairman Manuel V. Pangilinan kay Sen. Idol Raffy Tulfo para ibalita na tapos na ang ginawang imbestigasyon ng network hinggil sa pangmomolestiya ni Cliff Gingco, program manager ng TV5 News and Public Affairs, sa isang baguhang talent.

“At lumitaw sa imbestigasyon na may matibay na basehan ang reklamo laban kay Gingco kaya nagdesisyon ang TV5 na tanggalin siya sa trabaho.

Baka Bet Mo: Mike Tan naka-graduate na rin sa college, nagpasalamat sa mga kapwa artista na tumulong sa kanyang ‘research’

“Matatandaan na lumapit ang nasabing talent sa Raffy Tulfo in Action noong August 9 upang humingi ng tulong na makamit ang hustisya sa dinanas na sexual abuse.

“Agad na nagpadala ng liham si Sen. Idol kay Chairman MVP ukol sa insidente para masiguro na magkakaroon ng patas na imbestigasyon ang kaso at walang mangyayaring cover-up.

“Mabilis naman din ang naging tugon ni Chairman MVP sa liham ni Sen. Tulfo. Natuwa rin si Chairman MVP na personal na naiparating sa kanya ang problema sa pamamagitan ng sulat ni Idol Raffy.


“Idinagdag din ni Chairman MVP na ang TV5 ay mabibigay ng buong suporta sa biktima, partikular na ang medical assistance gaya ng therapy at iba pang kakailanganin nito.

“Sa kabilang banda, pinasalamatan ni Sen. Tulfo si Chairman MVP dahil naging mabilis ang paggulong ng imbestigasyon at nakamit ng biktima ang nararapat na hustisya.

“Dagdag pa rito, kasong kriminal ang kinahaharap din ngayon ni Gingco sa piskalya, kung saan tumutulong at nakatutok ang RTIA para masiguro na maayos ang pag-usad ng kaso.

“Magbibigay pa kami ng update sa mga susunod na araw.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nagbanta pa si Tulfo na magre-resign sa TV5 at magpapatawag ng Senate hearing kapag hindi inaksyunan ng management ang reklamo laban kay Gingco.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending