Robin iimbestigahan ang reklamong sexual abuse ni Sandro

Robin iimbestigahan ang reklamong sexual abuse ni Sandro Muhlach

Ervin Santiago - August 06, 2024 - 03:52 PM

Robin iimbestigahan ang reklamong sexual abuse ni Sandro Muhlach

IIMBESTIGAHAN ng Senado sa pangunguna ni Sen. Robin Padilla ang reklamong sexual abuse na inihain ng isang male youngstar sa GMA Network.

Kinumpirma ng veteran actor at public servant na magsasagawa ng pagsisiyasat ang Senate committee on public information and mass media na pinamumunuan ni Sen. Robin hinggil sa kontrobersya.

Wala mang binanggit na pangalan si Sen. Robin, pinaniniwalaang ang tinutukoy nito ay ang Sparkle artist na si Sandro Muhlach, panganay na anak ng aktor na si Niño Muhlach.

Baka Bet Mo: Niño umapela ng dasal at suporta, hirit ng kaanak: ‘We stand with Sandro!’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kasalukuyan ding nagsasagawa ng imbestigasyon ang pamunuan ng GMA sa reklamong sexual harrasment ni Sandro laban sa dalawang “independent contractors” ng network.

Kahapon, inihayag ni Sen. Robin sa plenaryo sa sesyon ng Senado na magsasagawa rin sila ng independent investigation para ilantad ang katotohanan sa official complaint ni Sandro.

“Hindi po natin sinasabi na may sabit dito ang GMA 7. Hindi po. Ang sinasabi po natin dito kailangan magkaroon ng malinaw, malinaw na pagpapaliwanag sa komite ng mass media ang naganap na ito sapagka’t ito po ay public information,” sabi ni Robin.

Kasunod nito, nangako naman ang GMA Network na makikipagtulungan sila sa gagawing imbestigasyon nina Sen. Padilla sa naturang kaso.

Handa rin daw magpadala ng representative ang network sa gagawing pagdinig upang makatulong sa Senado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending