Robin hindi enjoy sa politika: Sobrang bulok ng sistema natin!

Robin hindi enjoy sa politika: Sobrang bulok ng sistema natin!

Reggee Bonoan - July 02, 2024 - 08:55 AM

Robin hindi enjoy sa politika: Sobrang bulok ng sistema natin!

Robin Padilla at Mariel Rodriguez

AMINADO si Sen. Robin Padilla na hindi niya nae-enjoy ang pagiging politiko dahil nahihirapan siyang matulog sa gabi.

Nauna niyang binanggit na wala siyang planong kumandidato bilang senador pero naipit siya sa hiling ng dating Pagulong Rodrigo Duterte at hindi rin niya akalaing magna-number 1 siya noon sa eleksyon.

Sa intimate mediacon ng senador bilang gaganap sa biopic ng dating senador at heneral na si Gringo Honasan ay natanong kung bakit hindi niya nae-enjoy ang pagiging public servant.

Baka Bet Mo: Karen Davila sa pagtigil ni Robin Padilla sa pag-aartista: Good move, senator!

“Mahirap matulog sa gabi hindi kagaya ng artista. Wala akong peace of mind, kasi dito (bilang senador) nagtrabaho ka na, tumulong ka na, hindi ko maintidihan (ang tao).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


“Pagdating mo sa bahay kapag natutulog ka na naiisip ko pa rin na ang dami pa ring tao na nagugutom kaya iba pag artista ka.

“Sa artista kapag tumulong ka nagbigay ka ng pera at pag-uwi mo masaya ka na kasi hindi mo naman job (trabaho), ‘yun.  Hindi mo tungkulin ang tumulong pero dahil ginagawa mo, ang saya-saya mo.

“Pero ‘yung job mo na ayusin ang buhay ng Pilipino tapos uuwi ka sa bahay, naku ang hirap, napakahirap!” aniya

Inamin din ni Sen. Robin na hindi niya kayang baguhin ang sistema ng bansa, “Hindi, eh, sobrang bulok ng sistema natin saka mahirap baguhin ‘yun.”

Baka Bet Mo: Robin sawang-sawa na sa kakaendorso ng politiko kaya tumakbo; nawalan ng trabaho dahil kay Duterte

Ipinagdiinang gusto ni Robin na baguhin ang Saligang Batas, “Sana matuloy ‘yung sinasabi ni Presidente Bongbong Marcos sa right sizing ng gobyerno, sana matuloy na ‘yun, ‘yung pagbabago ng form of government sana matuloy na at sana ma-empower ang mga probinsya, ma-empower ‘yung malalayong luga.

“Sana huwag tayong mabuhay sa ‘ayuda’ kasi lahat na lang ng nangyayari ngayon ayuda walang trabaho,” opinyon ng senador.

Maraming nagsasabing sayang ang botong ibinigay nila kay Sen. Robin dahil wala pang nangyayari sa mga ipinangako niyang aayusin niya kapag nasa senado na siya.

“’Yun ang mas masakit kasi nakita na natin ‘tong bulok na sistema at nilabanan natin. Ngayon nandoon ka sa loob ng sistema. Nilalabanan mo hindi ka makaganu’n (makagalaw) kasi ‘yung system mismo kakainin ka nu’n nang buung-buo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla)


“Sabi ng mga tao, wala naman akong ginagawa, mga ma’am, mga sir, iisa lang po ako ru’n 24 kami. Kahit na anong ganda at planong iniisip ko para sa taumbayan kung ‘yung 23 ay hindi naman sang-ayon sa ‘yo, anong magagawa ko?” paliwanag niya.

Sinu-sino ba ang puwedeng sabihing kakampi ni Robin sa mga kapwa niya senador?

“May mga pagkakataong kakampi mo lahat tulad nu’ng Eddie Garcia Law (isa siya sa author) kakampi mo lahat, ‘yung Sharia Court (all cases involving offenses defined and punished under the Code of Muslim Personal Laws of the Philippines), pero pagdating du’n sa divorce (bill) hati-hati kami. Hindi pa rin kami magkaintindihan diyan.

“Doon sa constitutional reform (making changes or amendments to a country’s constitution) mukhang isa lang ako, du’n sa medical cannabis (medical marijuana). Yun ‘yung mga bagay na nahihirapan ako,” pagtatapat ng senador.

Samantala, inamin din ng aktor na ang kinikita niya bilang senador ay napupunta lahat sa pangtulong niya at ang kanyang kikitain sa pelikula ay para sa personal niyang kailangan lalo’t may mga anak pa siyang maliliit pa.

Anyway, sana raw ay masimulan na ang shooting ng “Gringo: The Greg Honasan Story” bago pa bumalik ang plenaryo dahil hindi niya kakayaning lumiban para lang mag-shoot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang sagot si Sharon Cuneta kung tatanggapin niya ang role na maybahay ni Robin sa pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending