Carmina, Zoren nagkaiyakan sa pag-alis ni Mavy: We miss you already... | Bandera

Carmina, Zoren nagkaiyakan sa pag-alis ni Mavy: We miss you already…

Ervin Santiago |July 13,2021
facebook
share this

Carmina, Zoren nagkaiyakan sa pag-alis ni Mavy: We miss you already…

Ervin Santiago - July 13, 2021 - 09:05 AM

PARANG eksena sa isang pelikula at teleserye ang pamamaalam ni Mavy Legaspi sa kanyang pamilya para sa una niyang pagsabak sa lock-in taping.

Talagang nagkaiyakan pa sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi bago ihatid ang nag-iisang anak na lalaki na first time mawawalay sa kanila nang matagal na panahon para nga magtrabaho.

Nagmistulang OFW nga si Mavy na magwo-work abroad kung magpaalam sa kanyang magulang at kakambal na si Cassy na nauna nang nakaranas ng lock-in taping para sa unang teleserye naman niya na “First Yaya.”

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Carmina ng maikling video at ilang litrato kung saan makikita ang pagluha niya at kayakap ang anak habang nagpapaalam.

“All grown up. Time for you to spread your wings my forever baby boy Mavy. Always remember that we are here for you and we are all proud of you!” sey ni Carmina sa caption.

“Enjoy! I miss you already. You’ll be away from us for the first time. We love you,” dugtong pa niyang mensahe.

Samantala, nagbahagi rin si Zoren sa kanyang IG account ng mga litrato nila ni Mavy. Nakayakap din ang veteran actor sa binata pero nakatalikod siya sa camera kaya hindi kita ang kanyang pag-iyak.
Dito kita naman ang pagpapahid ng binata ng luha sa kanyang mata habang nagpapaalam sa kanyang tatay.

“It’s hard to let this guy go to spread his wings. Come back with wider and longer wing span. 

“Always pray at night and when you wake up. I love You as my son as my friend,” sabi ni Zoren sa caption  with matching red heart emojis.

Kung hindi kami nagkakamali, isa si Mavy sa mga cast members ng Kapuso series na “I Left My Heart in Sorsogon” na kasama sa magla-lock in taping.

Pagbibidahan ito nina Heart Evangelista, Richard Yap, Paolo Contis at marami pang iba. Kukunan ang ilang mahahalagang eksena ng serye sa ilang magagandang lugar sa Sorsogon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending