Rhian ayaw sundan ang yapak ni Michelle sa beauty pageants

Rhian Ramos ayaw sundan ang yapak ni Michelle Dee sa beauty pageants

Pauline del Rosario |November 10,2023
facebook
share this

Rhian Ramos ayaw sundan ang yapak ni Michelle Dee sa beauty pageants

Pauline del Rosario - November 10, 2023 - 09:05 AM

Rhian Ramos ayaw sundan ang yapak ni Michelle Dee sa beauty pageants: I don’t think I’m going to enjoy it…

PHOTO: Instagram/@whianwhamos

SA kabila ng pagiging super close sa isa’t-isa, nanindigan ang aktres na si Rhian Ramos na wala siyang plano na sumunod sa yapak ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee.

“I feel like for me and my life, it’s probably impossible at this point,” sagot ni Rhian matapos siyang tanungin ng INQUIRER.net sa sidelines ng Opulence Halloween Ball.

Paliwanag pa niya, “I just don’t think I’m that kind of poised girl. I don’t think I’m going to enjoy it the way other people enjoy it.”

Magugunita noong Mayo, nauna nang sinabi ni Rhian na never siyang sasali sa beauty contests.

Baka Bet Mo: Pura Luka Vega nanindigan sa drag performance: They shouldn’t tell me how I practice my faith

Marami kasi ang nagsasabi na pwedeng-pwedeng manalo si Rhian sa Miss Universe Philippines dahil talaga namang pak na pak siya sa labanan kung pagandahan at patalinuhan ang pag-uusapan.

Ayon kay Rhian sa pamamagitan ng Instagram Stories, “If you ever wonder why never dumaan sa isip ko sumali sa kahit anong pageant, ito ‘yung reason.”

“I have no poise, composure, or emotional control. ‘Pang drama talaga ako,” sey pa niya.

Kamakailan lang, inamin ni Rhian na nami-miss na niya ang kanyang housemate na si Michelle na ngayon ay nasa El Salvador para sa culminating activities ng Miss Universe competition bago ang inaabangang coronation day.

Pero nilinaw ng aktres na kahit nangungulila siya sa beauty queen ay hangad niyang matupad ang pangarap nito na makuha ang Miss Universe crown.

Samantala, may kaabang-abang na proyekto rin si Rhian kung saan siya ang gaganap na kontrabida at matinding kalaban ng mga Sang’gre sa bagong yugto ng iconic telefantasya na “Encantadia.”

Ang kanyang magiging papel ay bilang makapangyarihang diwata na si “Mitena,” ang cursed twin ni Cassiopea na ginampanan noon ni Solenn Heussaff.

“Isa siyang Ice Queen so I believe that it has something to do with that,” pagbubunyag ni Rhian sa kanyang karakter.

Chika pa niya, “Pero may mga makukuha din kasi akong kapangyarihan along the way so madadagdagan nang madadagdagan.”

Related Chika:

Lorin Gutierrez bet nga bang sundan ang yapak ng ina sa pagsali sa beauty pageants?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz nanindigan sa ibinalita ukol kay Baron Geisler, walang dapat ihingi ng public apology: I stand by my story

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending