Lorin Gutierrez bet nga bang sundan ang yapak ng ina sa pagsali sa beauty pageants? | Bandera

Lorin Gutierrez bet nga bang sundan ang yapak ng ina sa pagsali sa beauty pageants?

Therese Arceo |June 03,2023
facebook
share this

Lorin Gutierrez bet nga bang sundan ang yapak ng ina sa pagsali sa beauty pageants?

Therese Arceo - June 03, 2023 - 02:52 PM

Lorin Gutierrez bet nga bang sundan ang yapak ng ina sa pagsali sa beauty pageants?
MAY balak nga bang sumunod si Lorin Gutierrez sa yapak ng inang si Ruffa Gutierrez sa pagsabak sa beauty pageants?

Matatandaang maliban sa pag-aartista ay sumali rin noon si Ruffa sa pageantry kung saan nagwagi ito Binibining Pilipinas World noong 1993 at itinalaga bilang second princess sa Miss World 1993.

Sa isang TikTok livestream session ni Lorin noong May 19, inamin niya na hindi niya nakikita ang kanyang sarili sa naturang larangan.

Aniya, may iba siyang na-e-envision sa kanyang future self.

“A lot of people are asking if I have plans to join a pageant. Honestly, you guys, right now, I’m just focused on my studies and making a bag, and going to work,” pagbabahagi ni Lorin.

Dagdag pa niya, “I want to be employed. That’s what I want to do.”

Baka Bet Mo: Dating asawa ni Ruffa Gutierrez muling nakasama ang dalawang anak na sina Lorin at Venice

Sa ngayon ay abala siya sa kanyang pag-aaral. Kasalukuyang tinatapos ng dalaga ang kanyang Marketing degree sa Pepperdine University sa Malibu, California.

Plano rin ni Lorin na matapos ang kanyang undergrad course ay papasok naman siya sa law school.

Naakuwento rin ng dalaga ang kanyang paniniwala na sa pamamagitan ng pagma-manifest ng mga bagay ay mas naa-attract mo na matupad ang mga bagay na gusto mo.

Bukod sa pagma-manifest ay konkreto ang mga plano ng dalaga at talagang tinatrabaho ang kanyang mga goals sa buhay.

“I am such a huge believer of speaking things into existence. If you think you can do something, and if you set your mind on something, there is nothing in your way that will stop you. You just have to take it day by day. Set a to-do list,” saad ni Lorin.

Pagpapatuloy niya, “Figure out small goals that help you reach your big goals.
“If you think you’re capable of doing it, you put yourself 10 steps ahead in front of someone who doesn’t think they’re capable of doing it.”

Related Chika:
Anak ni Ruffa na si Lorin Gutierrez naglabas ng sama ng loob sa lahat ng nangnenega sa kanilang pamilya: As if you know everything…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

2 anak ni Ruffa pabalik na ng Pinas, emosyonal nang magpaalam kay Yilmaz Bektas: Until we are all together again…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending