Ricci Rivero, Leren Bautista nag-uusap na ukol sa kasal

Ricci Rivero, Leren Bautista nag-uusap na ukol sa kasal?

Therese Arceo |February 17,2024
facebook
share this

Ricci Rivero, Leren Bautista nag-uusap na ukol sa kasal?

Therese Arceo - February 17, 2024 - 06:13 PM

Ricci Rivero, Leren Bautista nag-uusap na ukol sa kasal

AMINADO ang magdyowang sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista na may kaba silang nararamdaman kapag napag-uusapan ang kasal.

Sa kanilang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, February 16, nausisa sila tungkol sa kanilang relasyon.

Isa na nga rito ay kung mauwi kaya sa pamamanhikan ang pagmamahalan nina Ricci at Leren.

Sagot ng binata, “Sana, Tito Boy. Kinakabahan ako, pero sana.”

Dagdag pa ni Ricci, “Nakakakaba rin siya Tito Boy at some point eh.”

Kahit si Leren ay aminadong kinakabahan rin sa usaping ito dahil isa itong malaking commitment.

Pero sa kabila nito ay sinabi naman ni Ricci na napag-uusapan na rin nila ng dating beauty queen ang pagpapakasal.

“Kami, Tito Boy, may mga napag-usapan na rin kami even ‘yong mga friends namin ‘di ba na nae-engage or nagpaplano ng kasal.

“Parang feel ko same naman kami na hindi naman siya doon sa tagal or what,” sagot ni Ricci.

Aniya, mararamdaman naman raw ng isang couple ito lalo na kung talagang malalim na ang pagkakakilala sa isa’t isa.

Baka Bet Mo: Leren sa mga basher na nagsasabing ‘Tita’ siya ni Ricci Rivero: ‘Ate lang!’ 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Mayroon din kasi siyempre, Tito Boy, ‘di ba ‘yong kunwari masaya kayo ngayon. Pero what if may challenges, how do you guys deal with that and how badly you want to make it work,” dagdag pa ni Ricci.

Para naman kay Leren, ok sa kanya ang mapa-short o long engagement.

“At this moment naman, tama rin. Kung ma-feel mo na rin talaga na okay ka na with your partner, I think hindi naman kailangan ng long engagement, as long as kailangan pagbutihin n’yo rin ang relationship. Kasi hindi naman palagi okay, hindi naman palagi masaya,” sagot ng dyowa ni Ricci.

Pagpapatuloy pa niya, “Feeling ko naman ang long o short engagement depende ‘yon sa kung ano ang gusto talaga. But for me, kahit ano naman doon. Basta ramdam naman namin and napag-usapan naman kung ready na ba talaga kami to really commit.”

Chika naman ni Tito Boy, “Yeah, what I’m hearing is that wala talagang formula. Ako, ang akin lang ay do not fall into the trap of being pressured.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang naging kontrobersiyal sina Ricci at Lerene matapos ituro ng netizen ang huli bilang third party sa paghihiwalay noon ng basketbolista sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Ngunit nilinaw na nila noon na walang kinalaman at walang overlapping na naganap sa pagitan nila.

October 2023 naman nang ibandera nina Ricci at Leren sa publiko ang kanilang relasyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending