Leren iginiit na 'single' sila ni Ricci bago magkarelasyon

Leren Bautista iginiit na ‘single’ sila ni Ricci bago pumasok sa relasyon

Pauline del Rosario |February 16,2024
facebook
share this

Leren Bautista iginiit na ‘single’ sila ni Ricci bago pumasok sa relasyon

Pauline del Rosario - February 16, 2024 - 03:44 PM

Leren Bautista iginiit na 'single' sila ni Ricci bago pumasok sa relasyon

PHOTO: Instagram/@lerenmaebautista

MULING nag-open up ang beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista tungkol sa romantic relationship nila ng basketball player na si Ricci Rivero.

Iginiit niya na hindi pinagsabay ni Ricci ang relasyon niya at ng ex-girlfriend na si Andrea Brillantes.

Hanggang ngayon kasi marami pa rin ang nagsasabing si Leren ang third party noon na naging dahilan ng hiwalayan ng basketbolista at ng young actress.

Noong Valentine’s Day, ibinandera ng fashion designer na si Renee Salud ang kanyang interview kasama si Leren at dito nilinaw ng dalaga ang matinding kontrobersiya noong nagsagawa sila ni Ricci ng outreach activity sa Los Banos, Laguna.

June last year pa nangyari ito, pero diyan nagsimulang tumindi ang espekulasyon ng madlang pipol patungkol sa third party umano ng ex-boyfriend ni Andrea.

Baka Bet Mo: Para ba kay Andrea ang hugot ng tatay ni Ricci na, ‘Importante yung maayos na ugali at pagrespeto sa minamahal mo, hindi lang pakitang-tao’?

Ayon kay Leren, wala pa talagang namamagitan sa kanila ng binata noon at sa pagkakaalam niya ay pareho silang “single” ‘nung mga panahon na ‘yun.

“Ang alam ko, noong nag-meet kami sa feeding program na ‘yun, wala na po sila,” sey ng dating beauty queen.

Patuloy niya, “Sa tanong niyo po kung single [or taken ba kami], alam ko single po ako. Siya ay single din that time.”

“We just wanted to finish the feeding program. There wasn’t anything more than friends or relationship-related at the time,” dagdag niya.

Giit pa ni Leren, “It’s very clear noong nagkakilala kami, single siya from what I know. Ako po, single po ako.”

“It’s purely for the feeding program and charity itself. ‘Yun lang talaga,” paglilinaw niya regarding sa outreach program issue.

Inamin ni Leren na wala talagang malisya sa pagitan nila ni Ricci noong nagsagawa sila ng nasabing aktibidad, pero ang pagkakamali niya lang kasi ay binura niya ang kanyang post kaya lalong naghinala ang maraming Marites.

“Sa mga naging viral noon sa Instagram, there was no malice at all,” wika ng politician.

Kwento niya, “Ang mali ko lang since noong pagka-upload, ang daming nag-message agad sa’kin, nagulat ako. Ang mali ko was na-delete ko, sana hindi ko pala na-delete.”

Kasunod niyan ay chinika na nga niya kung paano nag-umpisa ang pag-iibigan nila ni Ricci, na ayon sa kanya ay nagka-developan sila dahil na rin sa mga ibinabatong pamba-bash at hate comments.

“Noong nag-start kami after ng issue, mas nakilala namin ang isa’t isa kasi nakakapag-usap na kami,” lahad ni Leren.

Patuloy niya, “Mas nakikilala ko ang personality niya at mas nakikilala niya ako as a person. Kasama na d’un [‘yung pag-deal] namin sa issue.”

“Sobrang hirap magsalita on my part since nagkaroon na ng misunderstanding, nabigyan agad ng meaning, at may kanya-kanyang interpretations,” ani pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, umabot rin sa isang taon ang relasyon nina Andrea at Ricci bago tuluyang maghiwalay noong June 2023.

Noong Oktubre naman ng kaparehong taon nang kinumpirma ng basketbolista na siya ay “in a relationship” na with Leren.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending