Para ba kay Andrea ang hugot ng tatay ni Ricci na, 'Importante yung maayos na ugali at pagrespeto sa minamahal mo, hindi lang pakitang-tao'? | Bandera

Para ba kay Andrea ang hugot ng tatay ni Ricci na, ‘Importante yung maayos na ugali at pagrespeto sa minamahal mo, hindi lang pakitang-tao’?

Ervin Santiago - October 23, 2023 - 11:45 PM

Para ba kay Andrea ang hugot ng tatay ni Ricci na, 'Importante yung maayos na ugali at pagrespeto sa minamahal mo, hindi lang pakitang-tao'?

Andrea Brillantes, Leren Mae Bautista, Ricci Rivero kasama ang kanyang pamilya

TANONG ng mga Marites all over the universe: si Andrea Brillantes nga ba ang pinatututsadahan ng tatay ni Ricci Rivero sa isang post nito sa Instagram?

Ang reaksyon ng mga netizens, tila hindi na rin nakapagpigil ang ama ni Ricci na si Ruzcko Rivero sa ginagawang pamba-bash at pambabastos ng haters sa kanyang anak.

Ito’y matapos ngang aminin ng aktor at basketball player ang relasyon nila ni Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


May mga kumampi kina Ricci at Leren pero marami rin ang nangnega at nang-okray sa kanila dahil nagdenay-denay pa sila noon sa relasyon nila pero aamin din pala.

Inakusahan din ng ilang fans ng ex-dyowa ni Ricci na si Andrea si Leren na mang-aagaw ng boyfriend habang nuknukan naman daw ng sinungaling ang binata.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero umaming dyowa si Leren Mae Bautista: Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya…

Sa IG post ng tatay ni Ricci, wala naman siyang nabanggit na pangalan o isyung pinatutungkulan pero para ngang may laman ang kanyang mensahe para sa anak at kay Leren.

Hugot ni Ruzcko, “Yun naman ang hindi tutuo (smiling face with heart-shaped eyes emoji).

“Plus, importante yung maayos na ugali at pag respeto sa minamahal mo at hindi lang pakitang tao para mapag-usapan, yun naman ang sobrang layo at yan ang sigurado ako. (Thumbs up emoji),” aniya pa.

Sa kasunod niyang post, buong-ningning niyang tinawag na “mga anak” ang mga kasama niya sa selfie kabilang na nga si Leren, “May God bless you always mga anak.. (face throwing a kiss, heart, praying hands emojis). #RiveroBrothers #RiveroFam.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Makikita sa photo ang mga anak ni Ruzcko na sina Ricci, Paolo at Gelo, si Leren, at ang girlfriend ni Paolo na si Krish. Pawang mga heart emojis lang ang comment dito nina Ricci at Leren.

Ni-repost din ni Leren ang message ng tatay ni Ricci sa kanyang IG Story at nilagyan ng aption na, “Happy Sunday
(heart emoji).”

Baka Bet Mo: Leren Mae Bautista nakipagbardagulan sa bashers: ‘Wag mam-bash kung ayaw mapatulan!’

Ayon sa mga netizens, tila patama ng ama ni Ricci ang kanyang post kay Andrea na dating dyowa ng kanyang anak. Negang-nega kasi noon ang binata matapos magsalita tungkol sa breakup nila ng aktres.

Nito lamang Sabado, October 21, ibinandera ni Ricci na sila na ni Leren at tinawag pa niya itong “real QUEEN” at “the right one” sa kanyang IG post. Muli ring nagsalita ang dating beauty queen at ipinagdiinang wala siyang inagawan ng boyfriend.

“To the girl who i see as a real QUEEN With all the wrongs hounding me, I’m blessed to have found the right one. Allow me to shield you from things you don’t deserve.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay,” sabi ni Ricci.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending