Leren Bautista feel na feel ang kanta ni Gary V para kay Ricci Rivero: 'You came at the right time in my life...God knows the truth' | Bandera

Leren Bautista feel na feel ang kanta ni Gary V para kay Ricci Rivero: ‘You came at the right time in my life…God knows the truth’

Ervin Santiago |November 06,2023
facebook
share this

Leren Bautista feel na feel ang kanta ni Gary V para kay Ricci Rivero: ‘You came at the right time in my life…God knows the truth’

Ervin Santiago - November 06, 2023 - 07:38 AM

Leren Bautista feel na feel ang kanta ni Gary V para kay Ricci Rivero: 'You came at the right time in my life...God knows the truth'

Ricci Rivero at Leren Mae Bautista

AYAW nang patulan ng magdyowang sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista ang lahat ng taong nangnenega sa kanilang relasyon.

Hanggang ngayon ay patuloy na bina-bash ang dalawa dahil sa pagdedenay pa raw nila na may namamagitan sa kanila noong kasagsagan ng breakup nina Ricci at Andrea Brillantes.

Tinawag ng mga supporters ni Andrea ang actor at basketball player na “cheater” habang “mang-aagaw” at “ahas” naman daw ang dating beauty queen matapos siyang akusahan ng pagiging third party umano sa ex-couple.

Pero last week nga ay ipinagsigawan na nina Ricci at Leren sa buong universe ang kanilang relasyon at nanindigan na wala siyang niloko at inapakang tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nitong nagdaang Biyernes, November 3, muling ibinandera nina Ricci at Leren sa publiko ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si  Leren ng isang short video clip na kuha sa ika-100 concert ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na ginanapa sa Music Museum.

Baka Bet Mo: Leren Mae Bautista nakipagbardagulan sa bashers: ‘Wag mam-bash kung ayaw mapatulan!’

Kinakanta ni Gary sa nasabing video ang isa sa kanyang hit song na “How Did You Know?” Sa caption ng IG post ni Leren, sinabi niyang dumating si Ricci sa kanyang buhay sa tamang pagkakataon.

Aniya, alam daw nila kung ano ang katotohanan kaya wala na raw silang dapat ipaliwanag pa sa mga tao. Ani Leren, “You came at the right time in my life. God knows the truth (heart emoji).”

“We don’t have to defend ourselves anymore, ang mahalaga alam natin ang totoo. @riccirivero,” aniya pa.

Makikita rin ang post na ito sa Instagram Story ni Ricci.

Matatandaang inamin din ni Leren na nahe-hurt siya sa natatanggap na pamba-bash ng mga netizens sa kanila ni Ricci kahit alam niya sa sarili na wala silang inagrabyado o sinakatang ibang tao.

“Damage has been done and hurtful words have been said that scarred me deeply, but it won’t stop me from doing what is right.

Baka Bet Mo: Ricci basag na basag matapos umaming dyowa na si Leren, may patama pa raw kay Andrea: ‘Drama-drama sa umpisa aamin din pala!’

“We rise by lifting others. Not the other way around. At the end of the day, people will know, the TRUTH shall prevail,” sabi ni Leren sa isa niyang Facebook status.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Noong October 21 ibinandera ni Ricci ang relasyon nila ni Leren sa pamamagitan din ng Instagram. Aniya, “Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay.”

Kamakailan, inalmahan din ni Ricci ang isang netizen na nagkomento ng, “Etong pamilya ni Ricci Rivero dinadamay pa si God sa mga pinagsasabi nila. Kunin mo na nga sila God para matahimik na mga yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Resbak naman ni Ricci sa kanya, “If you think wishing death for my family makes you noble, I think your fascination with showbizness needs some serious reflection Mr. Magna Cum Laude of PUP (Polytechnic University of the Philippines).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending